SEVENTEEN to return to Philippines in March 2026 for ‘New_’ World Tour

-

Get ready, Filo CARATs!

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang K-pop group na SEVENTEEN para sa kanilang “NEW_” world tour na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan sa March 21, 2026.

Sa naturang concert, magpeperform ang nine members ng SEVENTEEN na sina S.Coups, Joshua, Jun, The8, Mingyu, DK, Seungkwan, Vernon, at Dino.

Ilan sa mga songs na kabilang sa setlist ay ang mga solo tracks mula sa kanilang recent “Happy Burstday” album.

Samantala, ayon naman sa concert organizer na Applewood Philippines, nasa P5,500 hanggang P20,000 ang presyo ng tickets para sa nasabing event.

Gaganapin naman ang Carat membership presale sa November 18, habang general sale naman sa November 20.

Matatandaan na unang nag-kick off ang nasabing concert sa Incheon, South Korea nitong Setyembre.

Sa kasalukuyan ay katatapos lamang ng US leg ng nasabing concert, at nakatakda namang tumungo ang SEVENTEEN sa Japan ngayong Disyembre para sa Japan leg ng kanilang concert.

Ito ang kauna-unahang concert ng nasabing grupo na mayroon lamang nine members na magtatanghal dahil kasalukuyang naka-enlist sa military ang apat pang SEVENTEEN members na sina Jeonghan, Wonwoo, Hoshi, at Woozi.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE