Ibinahagi ng TV personality na si Vice Ganda na nais niyang gumawa ng movie kasama ang komedyante na si Michael V.
Ito ay matapos mag-guest si Vice sa recent anniversary special episode ng comedy show na “Bubble Gang.”
Vice: “Hindi naman porket nahawakan mo na [itong tulips] ay iyo na! Ano ka, politiko?! Nahawakan mo lang ’yung pera, inangkin mo na?!” 😭
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 27, 2025
(YouTube/YouLOL) pic.twitter.com/nVJPNEl5WS
Sa naturang episode, nagkaroon ng banter si Vice kasama ang karakter ni Mr. Assimo, na siyang ginampanan ni Michael V.
Ayon kay Vice, matagal niya umanong minanifest na makapag-guest sa Bubble Gang.
’ISA ‘YON SA MGA WINIWISH KO… [MAGKAROON NG] MOVIE TALAGA’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 28, 2025
Ibinahagi ng TV personality na si Vice Ganda na nais niyang magkaroon ng movie kasama ang komedyante na si Michael V.
Ito ay matapos maging guest si Vice sa anniversary special ng Bubble Gang. pic.twitter.com/e2pflgeGyX
“Super happy ako. Talagang minamanifest ko ’to noon pa eh. Dream kong makapag-Bubble Gang. So at last, nandidito na ko,” wika niya.
Kwento naman ni Michael V., matagal na rin nilang nais maging guest sa Bubble Gang si Vice.
“Naririnig ko ’yon kahit sa live niyo noon sa It’s Showtime. Eh ako parang nakakataba rin ng puso na nandito ka,” pahayag ni Michael V.
“Kasi ’di ba parang ’yun ang magkukumpleto ng pagiging komedyante mo, ’pag nagpunta ka ng Bubble Gang. So eto na, thank you very much,” saad naman ni Vice.
Ayon pa kay Michael V., looking forward sila ni Vice na gumawa ng isang pelikula.
“Pwede pa tayo gumawa ng movie,” hirit ni Michael V.
“Yes! Oo. Isa ’yon sa mga winiwish ko at winiwish ng marami, [magkaroon ng] movie talaga,” tugon naman ni Vice.