Filipino pride!
Nanalo ang content creator na si Abi Marquez ng Food Creator of the Year award sa 2025 World Influencers and Bloggers Awards na ginanap sa Cannes, France.
Sa isang Instagram post ni Abi, sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa natanggap niyang prestigious award.
“Still crazy to me that I’m in Europe for the first time and recognized for what my team and I have built with love, to be surrounded by creators from around the world AND to represent Filipino food on another global platform,” wika ni Abi.
Kasabay nito, nagpasalamat din si Abi sa kanyang mga taga-suporta.
“To everyone who watched and shared our content, MARAMING SALAMAT PO. You helped Filipino Food be seen across the globe,” pasasalamat niya.
Samantala, nito lamang May 23 ay ibinahagi ni Abi sa isang post na nanalo siya ng tatlong awards 46th Annual Telly Awards.
Maliban dito, matatandaan na noong May 2024 ay nanalo din siya ng People’s Voice Winner award para sa Food & Drink Category sa Webby Awards.
Si Abi ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng naturang award.
Kilala si Abi bilang “Lumpia Queen” sa social media platform na TikTok.
As of writing, mayroong 4.4 million followers si Abi sa naturang social media platform, at mayroon din siyang 2.5 million followers sa Facebook.