Andrea Brillantes shares experience on doing the bathtub scene in ‘Batang Quiapo’

-

Ibinahagi ng aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang experience sa paggawa ng sexy scene sa TV series na “Batang Quiapo.”

Matatandaan na kamakailan lamang ay ipinakilala si Andrea bilang si “Fatima” sa naturang series.

Isa sa mga unang eksena ni Andrea ay ang bathtub scene kasama ang aktor na si Jake Cuenca.

Ayon sa aktres, naging isang gentleman umano si Jake.

“He was such a gentleman, sobra akong nagpapasalamat kay Kuya Jake, [at] hindi lang kay Kuya Jake, sa lahat ng staff na nandon, kila Direk,” wika niya sa isang interview ng ABS-CBN News.

“Talagang mine-make sure nila na nasa safe space ‘to, safe environment, for me, na I don’t feel exploited or I don’t feel offended in any way,” dagdag pa nito.

Kaugnay nito, inamin din ng aktres na medyo nakaramdam siya ng awkwardness, ngunit pareho nilang itong isinantabi upang maging maayos ang eksena. 

“Lagi lang [akong] sinasabihan ni Kuya Jake, ‘Just let me know, okay, let me know kung ‘di ka comfy.’ Medyo awkward ng konti lang kasi ‘kuya-kuya’ ko siya. And dati nung naka-work ko siya, I was like 14 ba ‘yun. […] Pero tinawanan na lang namin,” pahayag niya. 

“Pero kasi parehas kaming aktor eh, so tinanggal na namin lahat ng awkwardness, lahat ng ganyan, and nung nandon kami sa scene, alam namin na it was just work,” dagdag pa nito. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE