Masayang ibinahagi ng aktres na si Jennica Garcia na nakalipat na sila ng kanyang mga anak sa isang mas malaking condo unit.
Sa isang interview ni Jennica kay MJ Marfori, ibinahagi nito na mula sa isang studio type unit, nakatira na sila ngayon sa isang loft type condo.
“Nitong Feb. 15, nakalipat na kami ng mga anak ko. So from a studio type unit, talaga namang naka-two bedroom unit na kami,” pahayag ni Jennica sa nasabing interview.
‘FROM A STUDIO TYPE UNIT, TALAGA NAMANG NAKA-TWO BEDROOM UNIT NA KAMI’ 🥹
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) February 21, 2025
Ito ang saad ng aktres na si Jennica Garcia matapos niyang ibahagi sa isang interview na nakalipat na sila ng kanyang mga anak sa mas malaking bahay. pic.twitter.com/ScAKk6YnHx
“At hindi dun nagtatapos yun, may hagdan,” dagdag pa ng aktres.
“Ang saya nun! Pag may nagtanong sa akin, ‘Saan ka nakatira? Sa condo?’ ‘Sa loft!’” pabirong hirit pa nito.
Kwento ni Jennica, gusto umano ng kanyang mga anak na sina Athena at Alexis na manirahan sa loft type condo.
“Pinapapili ko kasi sila… Meron kasing three bedroom na same lang yung price ng rent. Pero nung nakita nila yung hagdan, sabi nila, ‘Nanay, gusto namin ang may hagdan,’” pagbabahagi niya.
“Gusto niyo ng hagdan? Ibigay ang hagdan!” dagdag pa ng aktres.
Matatandaan na kamakailan lamang ay ginampanan ni Jennica ang role bilang si Sarah Banaag sa TV series na “Saving Grace.”