Ipinagtanggol ni Ellen Adarna ang kanyang former partner na si John Lloyd Cruz matapos itong hanapin ng isang netizen sa moving up ceremony ng anak na si Elias.
Sa Instagram post na shinare ni Ellen nitong Lunes, makikita ang kanilang photo ng asawang si Derek Ramsay mula sa nasabing moving up ceremony.
‘PRESENT FATHER NAMAN [SIYA], MEANING PRESENT DIN [SIYA] SA LAHAT NG MILESTONES NG ANAK NYA’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 20, 2024
Ito ang naging tugon ni Ellen Adarna sa komento ng isang netizen sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang kanilang family photo pic.twitter.com/vnPLC43lzr
“The only decent moving up photo,” wika ni Ellen sa kanyang post.
“JL should be present,” komento naman ng isang netizen.
“And you should mind your own business. Just because [he’s] not in the photo [doesn’t] mean he was not there,” pahayag naman ni Ellen.
“Wag masyadong close minded manang. Present father naman [siya], meaning present din [siya] sa lahat ng milestones ng anak [niya],” dagdag pa nito.
Matatandaan na naghiwalay sina Ellen at John Lloyd noong year 2019.
Kaugnay naman nito, na-mention din ni Ellen na kasalukuyan silang nasa co-parenting setup ni John Lloyd para kay Elias.