SB19 members Pablo and Stell remind fans of ‘respect’ amid online feud

-

SB19 members na sina Pablo at Stell, nagpaalala patungkol sa “respect” matapos magkainitan ang mga A’TINs, ang fans ng kanilang grupo, at mga volleyball fans sa social media platform na X.

Ito ay kaugnay ng naging pahayag ng Alas Pilipinas star na si Cherry Ann “Sisi” Rondina patungkol sa SB19 habang nasa “Pistang Pinoy sa Korea” event sa Busan, South Korea noong Linggo, June 9.

Sa nasabing interview, natanong si Sisi kung sino ang inaabangan niya sa nasabing program.

“I’m curious, meron ba kayong excited makita sa program natin mamaya? Any performances that you’re looking forward to?” tanong kay Sisi sa isang interview. 

“Dito po? […] SB19 daw po… Bhie, Starbucks lang alam ko,” sagot naman ni Sisi. 

Sa kanyang Instagram live ay agad namang nag-apologize si Sisi para sa mga fans na umano’y na-offend sa kanyang remark.

“[…] Personally ‘di ko talaga sila… So ayon, daming na-offend siguro. Kaya sorry po talaga, I’m really sorry,” saad ni Sisi sa kanyang live.

Kaugnay naman nito, pinaalalahanan ng mga SB19 members na sina Stell at Pablo ang kanilang fans patungkol sa respect. 

“I personally don’t tolerate this kind of behavior. Stop this,” reply ni Stell sa isang tweet ng netizen.

Kasabay nito, nag-release din ng statement si Pablo. 

“Our goal as a team since we started hasn’t changed. ‘langat ang kulturang pinoy sa global stage’. Simula’t sapul, we worked really hard towards that one goal regardless of the challenges, and we know na hindi kame nag-iisa sa goal na to dahil marami pang ibang pinoy ang nagsusumikap at nag sasakripisyo para sa layon na to,” pahayag niya.

“To A’tin, salamat sa lahat ng suporta at pag mamahal na binibigay nyo samin. Wala kami, kung wala kayo. Sana lagi nyo tatandaan kung bakit ‘ATIN’ ang pangalan ng fandom natin. We share our Victories! Sa ATIN lahat to!” wika nito.

“Respect and acknowledge na hindi lahat ng tao, aware or kilala ang grupe namin. Hindi rin sa lahat ng oras, everyone will hold a favorable opinion of us. THAT’S FINE! There’s no reason to spread hate, disrespect or drag down our fellow Filipinos. Lahat tayo may effort na i-angat ang Pinoy,” dagdag pa nito.

“Hindi kelangan ikumpara kung sino mas magaling o mas maraming nagawa. Lahat may pinaghirapan, lahat may nilalaban. Dapat hilahan pataas, kasi lisa lang rin naman ang goal natin. At the end of the day, we’re proud of, and respect, every Filipino who’s made strides to uplift the country whether sa music, sa sports, and sa iba pang larangan. Mabuhay ang Kulturang Pinoy! Happy Independence day!” pagpapatuloy pa ni Stell.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE