Pia Wurtzbach and sister Sarah locked in a bitter family feud?

Shocking ang issue sa magkapatid na Pia and Sarah Wurtzbach na dawit ang kanilang ina. Kaya naman ayon sa kampo ni Pia, wala silang statement na ibibigay dahil family issue ang usapin.

“Away pamilya…no statement, let us just respect their privacy, thank you,” ang reply ni Ms. Rikka Infantado-Fernandez, business manager ni Ms. Pia, sa mga nanghihingi ng reaction nila.

Burado na ang mga post ni Sarah pero marami na ang nakapag-screenshot kaya mabilis na nag-viral ito at pinag-usapan. Nag-start ang lahat nang mag-IG story ang sister ng dating beauty queen tungkol sa diumano’y tunay na ugali ng kanyang kapatid.

Narito ang ilan niyang post sa IG story:

“Ang baho ng ugali mo. Dami mong kuda pero sorry wala. Tapos mangdadamay ng ibang tao na wala naman sa usapan. Magsama kayo ni mama, @piawurtzbach.

“Nag-iisa mong kapatid ayaw mong suportahan tapos mangdadamay ka palagi ng ibang tao na wala naman sa usapan.

“Kung alam lang ng ibang tao kung gaano kabaho ugali n’yo ni mama, ‘di porket nananahimik ako, ako ‘yung masama.

“Ako pa kailangan lagi magpakumbaba, eh ako na nga ‘yung naabuso. T*****a n’yo, @piawurtzbach,” ang sunud-sunod na IG story ni Sarah na sobrang ikinawindang talaga ng followers ni Sarah na later on ay naging private ang kanyang account kaya pag hindi ka follower ay ‘di mo na makikita ‘yun. Meron siyang followers na almost 50,000.

Dagdag pa niya: “Mag-apologize na you hurt my feelings due to the statements you made when you were not sober, hindi mo magawa.”

“Where’s the understanding on your part? So I have to shut down my sadness and anger? Then you ignore me for days? What kind of treatment is that @piawurtzbach?” tanong pa ni Sarah na walang may idea kung anong pinanggagalingan pero base pa rin sa mga post niya ay parang may kinalaman sa pera.

“I’m broke kasi I have a normal job with two kids. Tapos kapag bibigyan mo ako ng pera hihirit ka ng, ‘Grabe noon sweldo ko ng isang buwan ‘to no? Tapos ngayon, barya na lang.’ “B***h, andun pa rin ako. Nasa isang buwanang sweldo pa rin ako kaya ako humihingi ng tulong. Ang insensitive mo sa mga ganyan kasi ‘you made it’ na @piawurtzbach. Ang lagi kong hinihingi sa tao ay time and company. Bonding. Kung mukhang pera ako, e ‘di sana noon pa ang yaman ko na @piawurtzbach.”

Hanggang dumating na sa puntong nabanggit na ang boyfriend ni Pia na si Jeremy Jauncey. “Iiyak iyak ka sa akin dahil nag-away kayo ni Jeremy tapos dadamayan kita ng isang oras kasi inaaway mo ‘yung tao, kahit alam kong ang babaw ng dahilan mo. Sige lang, go. I’m here for you sis. I’ll give advice pa. Pero kapag ako wala. Ano ‘yun? One-way system?

“Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil dun sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema siya sa clients. Sa akin siya lumapit para wala kang anxiety or stress. Ako ang sumalo.

“Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga ‘yung depressed dahil kay mami, ako pa rin sumalo para hindi ikaw ang ma-stress. Ako rin ang pumo-protect sa feelings mo pero ako hindi mo mada¬mayan. Magisisinungaling ka pa.”

May pahabol pa siyang: “Don’t confuse money and status for power.”

Pero mas na-shock ang lahat sa matinding pahayag ng kapatid ni Pia na ang akala ng lahat ay ayos na ayos ang kanilang relasyon, tungkol sa kanilang ina.

“I’m silent because I protect you and our f***ing na********* mom. Receipts included. Don’t make me fully go insane and start showing people evidence. I’m not the one in the wrong and yet I’m always the one being silenced @piawurtzbach.

“Kasi ‘yung abusado nating nanay binugahan ako ng gunusto kong ma-rape kasi simula bata pa lang may sira na utak ko. Mas mabuti pang nasa ‘strangers’ family ang mga bata para ‘di daw sila maapektuhan dahil loka-loka mami nila.

“So abused = crazy? Tapos imbis na suportahan mo ako emotionally, bawal magsalita kasi masisira lang pinaghirapan n’yo? Sasabihan mo pa ako ng ‘why do you want to get back at her so bad? F*** * @piawurtzbach.”

Meron pa siyang post na “Pareho kayo ni mama, abusado sa sistema. Wala kayong pakialam kundi sarili nyo. Tapos laging idadamay si Charlie. WALA NAMAN SYA SA USAPAN. Gusto nyo iwan ko kasi walang pera? See? Pera pera pera. Tapos nagweeweed palagi? Eh teka… @piawurtzbach,” pero walang patungkol kung sino.

Maraming nagulat dahil doon pa nag-celebrate ng birthday si Pia sa London kung saan nga naninirahan ang kayang kapatid. Nagkaroon pa nga siya ng appreciation post sa pag-aabala nito sa kanyang birthday kasama ang boyfriend niyang si Jeremy.

“Photos from this weekend. And a special appreciation post for my sister @sarahwurtzbach who made this surprise birthday set up. Made with love,” nakasulat sa post ng dating Miss Universe last September 7.

Sa bandang huli ay bumawi si Sarah at sinabi na tigilan ang galit kay Pia na nag-umpisa nga sa post niya.

“Stop hating on Pia. Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything. If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world. I am fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.

Credit: Sarah Wurtzbach/Instagram

“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things. I really just want a hug… I feel so alone everyday. I’d rather vent my anger however I can, any way I can so long as it can release pain from within. I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us. Even though it’s easier to just end it all.”

Sana ay maayos nila ito na sila-sila lang at ‘wag maapektuhan ang career at endorsements ni Pia lalo na at bumawi rin sa huli si Sarah.

Scroll to Top