Binuweltahan ni Manay Lolit Solis ang singer na si Jim Paredes nang mag-comment ito tungkol sa balitang TV comeback ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7.
“PERA PERA PERA lahat. OK Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this,” sabi ni Mr. Paredes ng APO Hiking Society na kamakailan lang ay nasangkot sa sex scandal.
“Mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman. Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa sex video na lumabas.
“Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli.
“Iyon bill ni Sen Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito? Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?
“Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman nang mangyari ang scam, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang unawa at ng bukas puso na patawad.
“Sana after the scandal, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes. After all, kung nakagawa ka ng mali, dapat makita mo rin na walang perfect at kung tinanggap ka uli ng tao dapat ganun ka rin mag-welcome sa iba. Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes. Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon sex video scandal. Maging aral iyon sa iyo,” sabi ng digital talk show host na Take It… Per Minute! (Me Ganun) at talent manager.
Pahabol pa ni Manay Lolit sa mga patuloy na nagbibintang sa alaga niyang si Sen. Bong na ayaw tantanan sa issue ng PDAF. “Kung bakit hanggang ngayon ibinibintang pa rin iyon issue ng PDAF at pera kay Bong Revilla. Hindi pa rin ba sapat na korte na nagdecide at nagsabi na wala siyang kasalanan? At hindi ba nilinaw na ng korte na walang dapat ibalik na pera si Bong? Ibig bang sabihin marami ang tao na mas mataas sa korte, mas matalino sa judge at mas dapat mag-decide kaysa Sandigan Bayan?
“Ibig bang sabihin kahit na ang desisyon wala kang sala mas matalino pa rin ang mga basher, mga bulag na political fanatics, mga cleaner than you are one sided at one track mind na tao? Iyon perception ng tao sa isang pinagbintangan at ngayon ay hinatulan ng not guilty hindi ba mababago dahil lang sa naging paninira sa kanya noon?
“Unfair, but who am I to judge eh sabi nga ng basher isa rin ako scammer. Hindi ba tinanggap ko pagkakamali ko, inamin ko dahil talaga naman ginawa ko. I did not do that for money, at sasabihin ko, hindi rin magagawa ni Bong dahil sa pera. Nakita ko mula pagkabata na hindi nalulunod sa pera si Bong. Puwede pang incompetence, sobra tiwala sa tao, at na-overlook ang ilang bagay pero ang magnakaw at maghangad ng pera hindi niya gagawin.
“Now na iyon gusto n’yo pa rin ang maging mean at judgemental, ok lang. Kayo din naman magdadala niyan kayo din bibigat ang buhay, kayo din ang hindi uusad. Si Bong Revilla, marami pa rin naniniwala, marami pa rin may tiwala. Kayo? Nganga di bah? Mamatay kayo sa inggit. Dahil inggit lang iyan.”
Dagdag pa ni Manay Lolit, ni-rerespeto niya ang political views ng singer pero sana naman daw ang maghinay-hinay ito sa pagko-comment.
“I respect iyon political color or views ni Jim Paredes but what I cannot take iyon pati bill para sa senior citizen i nega niya dahil si Sen Bong Revilla ang nag file para naman mali yata.
“Sana dapat pag mga ganitong bagay hinay hinay ang comment lalo na at alam niya na nagbabalik si Bong after ng nangyari na hayun, sabi ng Sandigan not guilty si Bong. Now , nasabit din siya sa isang iskandalo, dapat mellow na ang atake niya, hindi na dapat mean at parang ang tali talino niya. Always look back , para hindi ka madapa Jim Paredes.”