Melai Francisco shares the ‘craziest’ thing she did for love

Natawa na lamang ang TV personality na si Melai Francisco matapos niyang i-share ang “craziest thing” na nagawa niya sa ngalan ng pag-ibig. 

Sa programa na “Kuan On One,” napag-usapan ni Melai at ng kanyang guest na si Juan Karlos Labajo ang patungkol sa pag-ibig. 

“Yung ginawa ko dati nung wala pa ang Kuya Jason mo, dati pa ito… nagsinungaling ako sa mama at papa ko,” wika ni Melai.

“Na-realize ko ngayon na ang kabaliwan na ginawa ko dati ay nagsinungaling ako sa mama at papa ko na may project ako sa Davao dahil taga-GenSan ako,” pahayag niya.

“Nagsinungaling ako na may project ako sa Davao, field trip kunwari, pero ang totoo, pinuntahan ko lang talaga ang ex ko. Roy ang pangalan,” pagbabahagi pa nito.

“Pinuntahan ko talaga siya sa Davao para lang makita siya. Nagtatrabaho siya sa bigasan. Kunwari bibili ako ng bigas para lang makita ko siya,” dagdag pa niya.

Ayon kay Melai, nagawa niya umano ito dahil sobra siyang in love.

“Sa sobrang in love ko noon, nahuli ako na nagsinungaling ako dahil walang field trip. Ginulpi ako ng papa ko. Yun ang pinakabaliw na ginawa ko para sa pag-ibig,” saad niya.

“Kung umiibig ka, hindi mo control ang iyong puso,” pagbabahagi pa niya.

Samantala, matatandaan na ikinasal si Melai kay Jason Francisco noong December 2013. 

Sa kasalukuyan, mayroon silang dalawang anak na sina Mela at Stela. 

Show comments
Exit mobile version