Nora Aunor brings her ‘Tawag ng Tanghalan’ winning dress to Boss Toyo 

Award-winning actress na si Nora Aunor, dinala ang kanyang ‘Tawag ng Tanghalan’ winning dress sa “Pinoy Pawnstars” host na si Boss Toyo. 

Sa recent episode ng “Pinoy Pawnstars,” ipinakita ni Nora ang ginamit niyang dress nang siya’y hirangin bilang “Tawag ng Tanghalan” grand champion noong taong 1967.

Screenshot: YouTube/Boss Toyo Production

“Yan po yung ginamit po sa Tawag ng Tanghalan… Nu’ng grand finals. Nu’ng manalo ako sa Tawag ng Tanghalan, yan po yung suot ko,” saad ni Nora. 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Boss Toyo na base sa kanyang assessment, hindi bababa ng 5 million ang halaga ng naturang winning dress.

“[…] Alam niyo ang worth nito… Assess ko lang ha, hindi ito bababa ng 5 million. Kasi one and only lang kayo ma’am… Tapos nagsisimula pa lang po kayo dito. […],” pahayag ni Boss Toyo.

Ngunit ayon kay Nora, hindi niya umano ibinebenta kay Boss Toyo ang kanyang dress. 

“Hindi ko po ibebenta. Kaya ko lang po dinala para makita ninyo, dahil sa ang pakay ko po talaga ay baka makatulong po kayo sa mga kababayan po natin na nasalanta ng bagyong si Kristine sa Bicol,” saad ng aktres.

Screenshot: YouTube/Boss Toyo Production

“Nakita ko nga po sa page niyo, yung mga Noranians, meron po kayong… Grabe ma’am, naisip niyo pa rin pong tumulong,” pahayag ni Boss Toyo.

“Hindi po naisip, talagang dumarating po talaga sa puso ko yon, na kapag may mga kababayan na nangangailangan ng tulong, ke may pera, ke walang pera, gumagawa po ako ng paraan para makatulong sa kanila. Yun po ay mula sa puso,” pagbabahagi naman ni Nora. 

Sa dulo ng vlog, sinabi ng aktres na nag-donate umano ng P250,000 si Boss Toyo para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol.

Screenshot: YouTube/Boss Toyo Production

“Nagpunta ako rito para humingi ng tulong sa kanya na matulungan yung mga kababayan po natin sa Bicol na nasalanta po ng bagyong Kristine,” wika ng aktres.

“[…] Malaki ang pasasalamat ko dahil natulungan po tayo at nakapagbigay po siya ng P250,000 po para sa mga kababayan natin sa Bicol,” pagpapatuloy pa nito.

Show comments
Exit mobile version