Rufa Mae Quinto responds to netizen’s question about her Showtime hosting: ‘I regular myself’

Trending kamakailan sa social media ang TV personality na si Rufa Mae Quinto matapos siyang mag-reply sa tanong ng isang netizen pagkaraan niyang mag-guest sa noontime variety show na It’s Showtime. 

Matatandaan na nitong July 15 ay naging guest si Rufa Mae sa nasabing noontime show kung saan nag-perform siya ng ilang songs sa opening ng programa. 

“Sana maregular ka po sa Showtime, masaya siguro banters niyo ni Meme Vice,” sey ng isang netizen. 

“I regular myself haha,” reply ni Rufa. 

“I approve myself to be regular in the [show business] haha,” dagdag pa nito.

Maliban pa rito, nagpasalamat din si Rufa makaraang mag-trending ang hashtag na #ShowtimeGowNaGow noong araw ng kanyang guesting. 

“Salamat sa hashtag and nag no. Trending ako mabuhay ang Pilipinas! I love you all,” pagpapatuloy pa niya. 

Tila maraming netizens naman ang naaliw sa mga posts ni Rufa sa social media platform na X. 

“Hindi mo kailangan ma regular ng ibang tao cause you regular yourself hahaha,” komento ng isang netizen. 

“Ikaw lang talaga yung artistang naririnig kahit binabasa mo lang,” dagdag pa ng isa.

Exit mobile version