4th Impact wants to collaborate with BINI

“Dream come true” umano para sa girl group na 4th Impact kung mabibigyan sila ng pagkakataon na maka-collaborate ang P-pop girl group na BINI.

‘Ito ang kanilang inihayag matapos mapag-usapan ang BINI sa kanilang press conference sa PHLV Radio.

Ayon sa kanila, noon pa man ay naka-trabaho na nila ang BINI.

Kasabay nito, binigyang papuri rin nila ang nasabing girl group dahil sa pagiging humble nito.

“Actually, kung hindi niyo po natatanong, way back nung nasa Philippines kami sa PPOPCON, I think BINI is one of the… ’Yung naging ka-close namin, sila Mikha, ’yan sila Jhoanna… They’re so sweet po talaga. Noon pa man, magaganda na sila and matatangkad, but very humble,” pahayag ng 4th Impact member na si Irene.

Maliban pa rito, sinabi rin nila na masaya sila para sa success na natatamasa ng BINI.

“We’re just so happy as mga ate nila na… talagang they’re… harvesting ba tawag? ’Yan,” dagdag pa ni Irene. 

Kaugnay nito, nais umano nilang maka-collab ang BINI. 

“Deserve naman po nila ’yon, and if we were given a chance to collab with them, it’s gonna be a dream come true for us, kasi, ’di ba po, ’yung makasama mo ang ‘nation’s girl group,’ and it’s been a dream po para sa amin na makasama po sila one day,” pahayag pa ni 4th Impact member na si Almira.

Matatandaan na nitong June 16 lamang ay hinirang ang BINI bilang Philippines’ Top Artist sa Spotify matapos nilang malagpasan ang Pop star na si Taylor Swift.

Exit mobile version