The worldwide handsome is finally back!
BTS member na si Jin, opisyal nang na-discharge mula sa kanyang mandatory military service ngayong araw, June 12, matapos ang kanyang 18-month long service.
Bago ma-discharge si Jin ay makikitang naging emotional ito habang isa-isang niyakap ang kanyang mga fellow soldiers.
JIN IS HERE AND HE IS HUGGING EVERYONE 😭 pic.twitter.com/QCIdeeOLB0
— hourly taejin (@hourIytaejin) June 11, 2024
Samantala, matapos ang kanyang discharge ay sinalubong din si Jin ng kanyang mga co-members na sina RM, J-hope, Suga, Jimin, V, at Jungkook.
다녀왔습니다! pic.twitter.com/MpNo4Miio1
— 방탄소년단 (@BTS_twt) June 12, 2024
“I’m home,” saad ni Jin matapos mag-share sa social media platform na X ng isang OT7 photo.
Sa kanyang Weverse live, isa-isa namang ibinida ni Jin ang mga awards na kanyang natanggap mula sa military. Maliban dito, ipinakita niya rin ang mga banner na inihanda ng iba pang soldiers.
석지니 쫑알쫑알 자랑하는거 너무 귀엽다 pic.twitter.com/kfJlbtXaNJ
— 브리이에 (@BRILLER__613) June 12, 2024
Samantala, nakatakda namang magsagawa si Jin ng in-person event bukas, June 13, kung saan magbibigay siya ng “light hugs” sa kanilang mga fans, ang Armys, bilang pagdiriwang ng 11th anniversary ng BTS.
Matatandaan na nag-enlist sa military si Jin noong December 2022.
Siya ang kauna-unahang member na BTS na pumasok sa military.