Sociology student’s thesis about K-pop band SEVENTEEN and Filo Carats goes viral on social media

Tila maraming K-pop fans ang na-amaze matapos i-share sa social media ng sociology student na si Raymart Rodriguez ang kanyang thesis patungkol sa K-pop boy band na SEVENTEEN at sa mga fans nito na Filipino Carats. 

Sa isang exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND), ikinwento ni Raymart na mula 2018 pa siya naging fan ng SEVENTEEN. Aniya, naka-influence din ang kanyang pagiging fan sa paggawa ng nasabing research.

“Pagkatapos noong ako ay maka-isang taon sa programang BA Sociology ng College of Arts and Sciences sa UPLB, nagsimula na rin akong magisip-isip ng mga maaari kong gawing topic para sa aking thesis,” kwento niya.

“Bilang isang K-Pop fan, naging topic ko na rin ang K-Pop at K-Pop fans sa ilang mga courses na aking kinuha. At nung dumating na ang panahon na kailangan na naming magsumite ng topic, hindi na rin ako nagdalawang isip na ito na ang aking gawing topic,” dagdag pa nito.

“Naalala ko rin po na may isa po kaming propesor na nagsabi na kung mag-iisip kami ng topic para sa aming thesis, ang piliin na raw po namin ay kung saan kami passionate. Isa rin po itong naging factor kung bakit itinuloy ko talaga ang topic na ito… Bukod sa Seventeen, naging inspirasyon at motibasyon ko rin po talaga ang aking mga co-Filipino Carats,” dagdag pa ni Raymart. 

Ayon pa sa kanya, matapos siyang mag-attend ng ‘Be The Sun in Manila’ concert ng SEVENTEEN noong October 9, 2022 ay doon niya nagsimulang maisip na gawin ang kanyang research. 

“Nung umattend po ako ng Be The Sun in Manila, na-witness ko po yung mga nangyayari kapag may concert. First concert ko po kasi iyon tapos na-experience ko po na hindi lang po talaga yung SEVENTEEN (o kung sino man po ang magpeperform) yung magpapasaya nung concert kasi naging malaking parte din po ang mga Carats sa aking karanasan na iyon,” saad niya.

“Nung ibinahagi ko po sa aking mga kaibigang Carats at mga co-resident members sa UP Euyeomuyeo na balak ko nga pong gawing topic sa aking thesis ang mga Filipino Carats, naramdaman ko po ang kanilang suporta kaya naman talagang itinuloy ko na po na gawin ang topic na ito,” wika pa nito. 

“Ang akin pong thesis na pinamagatang, ‘Slipping into the Diamond Life: Filipino Carats’ Identity and Meaning as Fans of the K-Pop boy group Seventeen’ ay naglayong siyasatin ang karanasan ng sampung Filipino fans ng K-Pop group na Seventeen o mas kilala sa pangalang, Carats,” paglalarawan naman ni Raymart sa kanyang study.

Kaugnay pa nito, ani Raymart, na-feel din umano niya ang support ng kanyang mga professors at thesis adviser nang i-present niya ang kanyang study. 

“Nung ako po ay nagpresent ng aking thesis ay ramdam na ramdam ko po ang kanilang support at ang kanilang mga comments at suggestions ay talaga naman pong nakatulong lalo na po ang aking thesis adviser na si Asst. Prof. Athenee Pacardo-Mercado,” wika pa niya. 

Kasabay ng pagiging viral ng thesis ni Raymart ay nag-express naman ng kanilang message of support ang mga Carats.

“This is so slay of u!!! congrats and i’m proud of you for completing your thesis!!!” komento naman ng isa. 

“I’ve always loved reading these types of research, but all the more for yours kasi it’s about SVT. Sebongs and carats are super proud of you!!!” dagdag pa ng isa.

Ang SEVENTEEN ay isang K-pop boy band mula sa South Korea na nag-debut noong May 26, 2015, sa ilalim ng PLEDIS Entertainment. Kilala sila sa kanilang mga hit songs na “Don’t Wanna Cry,” “HOT,” “Super,” “Very Nice,” at iba pa. 

Matatandaan din na nito lamang January 2024 ay isinagawa ang ‘Follow to Bulacan’ concert ng SEVENTEEN sa Philippine Sports Stadium.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version