Janella Salvador opens up about her trauma from past relationships

Nag-open up ang aktres na si Janella Salvador patungkol sa kanyang trauma sa isang interview ng broadcast journalist na si Karen Davila.

“Nagka-trauma ka sa pag… lasing?” tanong ni Karen.

“Actually hindi naman sa mga lasing in general cause I still enjoy a few drinks, every now and then. I can still enjoy… I can be around people who are drunk,” pahayag niya.

“But if it’s my partner that comes home drunk, ay grabe yung anxiety ko, nanginginig talaga ako, even when it was with Markus, nanginginig ako mag-isa, pag alam kong umiinom… nasa labas tas alam kong uuwing lasing, nanginginig ako, tas my tummy is really turning,” pagpapatuloy pa niya.

“That’s trauma ah,” wika ni Karen.

“It really is trauma… Kasi I feel like something bad is about to happen when someone drunk comes home. Parang yun yung naging trauma sakin,” pagpapatuloy pa ni Janella. 

Ayon naman kay Janella, sinubukan niya rin umanong mag-undergo ng therapy para sa kanyang napagdaanan.

“I think I tried, during the first, when it was still fresh… But I think I still need to, I still need more therapy for it.

On experiencing heartbreaks, ‘difficult relationships’

Kasabay nito, napag-usapan din nila ni Karen ang mga heartbreak na na-experience ni Janella sa kanyang past relationship.

“Do you remember how bad it got?” tanong ni Karen.

Ayon sa aktres, umabot din umano sa point na na-feel niyang “nalosyang” na siya.

“I remember how bad it got. Siguro umabot din sa point na naramdaman ko na, parang nalosyang na ko. Kasi I was trying to save the relationship, I was trying to take care of a kid on top of all of that, so parang ang panget lang nung term, pero yun talaga yung na-feel ko. Parang pag tumitingin ako sa mirror, di ko na nakikilala yung sarili ko,” pagbabahagi ng aktres.

Matatandaan na kinonfirm ni Markus Paterson, ang ex-partner ni Janella, ang kanilang hiwalayan noong September 2022.

Nang tanungin naman ni Karen si Janella kung mayroon pang chance na magkabalikan sila ni Markus, sinabi ng aktres na: “Right now, hindi ko iniisip yon. No. Okay na rin kami now, healing apart. I don’t think it was good din for our mental health.” 

Kaugnay naman nito, shinare din ni Janella ang lesson na kanyang natutunan sa mga heartbreak na kanyang pinagdaanan.

“You’ve had your own share of heartbreaks, of difficult relationships, anong natutunan mo don?” tanong ni Karen.

“Siguro, bago siya umabot sa situation na maging cycle, or maging abusive, dun ko na siya inend,” sagot niya.

“I wouldn’t allow myself to stay in a situation where I know it might happen again and again,” wika pa nito.

Show comments
Exit mobile version