Pinoy drag queen Taylor Sheesh gets featured on Good Morning America

Filipino drag queen na si Taylor Sheesh, nag-debut na din sa international spotlight matapos ma-feature sa US morning show na Good Morning America.

Sa Sept. 2 episode ng naturang morning show, na-feature ang ilang videos ni Sheesh habang ini-impersonate ang American singer-songwriter na si Taylor Swift sa kanyang version ng “Eras Tour” sa iba’t ibang malls sa bansa.

Sa isang interview ng isa sa mga Good Morning America reporters, ibinahagi ni Mac Coronel, ang real name ni Sheesh, kung paano siya nagsimula sa impersonation.

“I’m a Taylor Swift fan since 2009 so I tried to impersonate her, and somehow it [worked] and went viral,” saad ni Sheesh.

Ayon pa kay Sheesh, ilan sa mga songs ni Swift na hilig niyang i-perform ay ang ‘You Belong With Me,’ ‘Love Story,’ ‘We Are Never Ever Getting Back Together,’ at ‘Cruel Summer’ dahil ito aniya ang favorite ng crowd.

 

Samantala, kahit pa man may worldwide recognition na si Sheesh, inamin nito sa isang interview ng The Philippine Star na hindi siya nag-expect na makikilala siya ng international media.

“’Di ko inexpect kasi ang unang nag-recognize is ‘yung Rolling Stone, so hanggang tuloy-tuloy na siya, Washington Post, so medyo nakaka-overwhelm nang malala” saad ni Sheesh.

Dagdag pa ni Sheesh, hindi din niya inexpect na papanoorin siya ng mga Swifties sa kanyang mga listening parties.

“Actually, nao-overwhelm ako, so ‘di ko rin ine-expect na sobrang daming tao na pumupunta ‘pag may mga ano, may mga listening parties, and everything,” kwento ni Sheesh sa The STAR.

Ayon pa kay Sheesh, nais niya aniya na ma-experience ng Pinoy fans ang feeling ng nasa concert ni Taylor, kahit pa man hindi kasama ang Pilipinas sa Asia leg ng ‘Eras Tour.’

“Gusto ko rin ma-experience nila kahit papaano ‘yung ‘Eras Tour’ as much as possible talaga,” he stated.

Kahit pa man hindi pa nag-meet ang dalawa, nakatakdang panoorin ni Sheesh ang concert ni Taylor sa Singapore next year.

Show comments
Exit mobile version