Pagsubok lang ang lahat’: ‘It’s Showtime’ hosts react to MTRCB’s ruling

Mga hosts ng It’s Showtime, nag-share ng kani-kanilang mga reactions sa social media matapos ang naging desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na i-suspend ng 12 airing days ang naturang noontime show.

Ilang oras matapos mag-issue ang MTRCB ng kanilang statement, nag-upload si Vice Ganda sa social media platform na X (formerly Twitter) ng picture, kung saan mababasa ang isang quote mula kay Albert Einstein. 

“In the middle of every difficulty lies opportunity,” saad ni Vice.  

Bukod dito, nag-share din si Vice ng group photos ng It’s Showtime hosts sa kanyang Instagram, gamit ang parehong quote sa caption.

Dinagsa naman ng positive comments ang post ni Vice mula sa kanyang mga co-hosts at kaibigan sa industriya.

“Love is what binds our family,” saad ni Ogie Diaz.

“Pagsubok lang ang lahat! Keep the faith,” saad ni Vhong Navarro.

“Nothing but love for all of you my showtime fam,” wika naman ni Karylle Tatlonghari-Yuzon. 

Bukod dito, nag-upload din ang actress-TV host na si Kim Chiu ng ilan nilang group pictures sa Instagram.

“FAMILY! @itsshowtimena family mahal ko kayonglahat!!!! [A]no man ang mangyari basta’tmagkakasama tayo. Together as One!” saad ni Kim sa caption.

Matatandaan na noong Sept. 4 nang inanunsyo ng MTRCB ang desisyon nitong i-suspend ng 12 airing days ang It’s Showtime.  

Sa statement, sinabi ng MTRCB na nakatanggap umano sila ng multiple complaints patungkol sa “indecent acts” sa isang episode ng “Isip Bata” ng naturang noontime show.

 

Matapos ilabas ng MTRCB ang kanilang ruling, nag-release naman ang ABS-CBN ng kanilang statement, kung saan sinabi nito na magfa-file sila ng Motion for Reconsideration. 

Samantala, sa isang episode ng It’s Showtime, sinabi ng TV host na si Jhong Hilario na patuloy silang nakikipag-coordinate sa MTRCB.

“Habang nakabinbin ang motion for reconsideration, ang desisyon ng suspensiyon ng programa ay hindi pa pinal at epektibo. Kaya sa ngayon ay patuloy niyopong mapapanood ang ‘It’s Showtime,” saad ni Hilario.

“Patuloy kaming makikipag-ugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang ‘It’s Showtime’ sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming MadlangPipol,” dagdag pa niya.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version