Gerald Anderson admits he sees Julia Barretto as ‘the one’ 

-

Inamin ng aktor na si Gerald Anderson na nakikita niya ang partner na si Julia Barretto bilang kanyang “the one.” 

Sa isang interview ni Gerald sa news anchor na si Bernadette Sembrano, natanong si Gerald kung si Julia na ba ang kanyang pakakasalan. 

“Ang hirap kasi sagutin syempre kasi kailangan kami yung magkausap about that. But does she have the qualities, does she have everything na hinahanap sa isang asawa? Of course,” saad ni Gerald. 

Ayon sa kanya, halos 5 years na rin ang kanilang relationship ni Julia.

“I mean, 5 years na kami together and we’re still learning about each other. I think non-stop naman ’yon eh,” wika pa niya. 

Kwento pa ng aktor, overflowing din ang support na ibinibigay sa kanya ni Julia.

“Nagagawa ko lahat ng kailangan kong gawin, from my work, in the industry, business, basketball, Coast Guard duties, nagagawa ko lahat ’yun because of [the] support na binibigay niya sakin. Undying support,” pahayag niya.

“Du’n pa lang eh. If you love someone, you’re willing to adjust and support, at ’yun ’yung nagagawa namin sa isa’t isa,” dagdag pa nito. 

Dagdag pa ng aktor, nabi-bring out din nila ni Julia ang best sa bawat isa.

“Bringing out the [best]… I think yun yung point ng isang relationship. Kasi lalo na kung mag-aasawa kayo, dahil habang-buhay na yun eh. You want to make sure na positive kayo,” wika pa niya.

Matatandaan unang kinumpirma ni Gerald ang kanilang relationship ni Julia noong 2021.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE