‘Everyday he’s being judged’: Vice Ganda opens up about Ion Perez’s experience online

-

Naging emotional ang TV host na si Vice Ganda makaraang i-express niya ang kanyang appreciation para sa partner na si Ion Perez matapos ang ‘Magpasikat’ performance ng Team JKI, na kinabibilangan ng It’s Showtime host na sina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion, sa noontime variety show na “It’s Showtime.”

Matatandaan na sa naturang performance ay nag-raise ng awareness ang Team JKI patungkol sa responsible usage ng social media at cellphone. 

Matapos ang performance ay dito na ipinahayag ni Vice ang kanyang pagiging proud sa partner.

“Syempre proud na proud ako sa kanya, sobra akong proud diyan,” wika ni Vice. 

Sa kanyang mensahe ay nabanggit din ni Vice na araw-araw din umanong naja-judge si Ion sa social media. 

“Kasi syempre, araw-araw kasama ko ’yan ’di ba. Alam ko kung ga’no siya sinasaktan ng social media. Everyday he’s being judged kung ano siya, sa’n siya galing, pa’no siya magsalita. Ano lang nakikita sa kanya, ’yung klase ng relasyon meron siya. Everyday, he’s being judged,” pahayag ni Vice Ganda.

“Araw-araw lumalaban ’yan. Araw-araw nasasaktan. Kaya… Basta hindi niyo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa’kin, hindi niyo alam. Ang alam niyo lang, ’yung alam niyo, ang nakita niyo lang, ’yung nakita niyo pero hindi niyo talaga alam,” pagpapatuloy niya pa. 

Sa kabila nito ay inassure naman ni Vice ang kanyang unconditional love para sa partner.

“Di ba sabi ko sa’yo, araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw, ipagdadasal kita araw-araw, yayakapin kita araw-araw, dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita,” mensahe niya.

“Mahal na mahal ko ’yan. Proud na proud ako sa’yo,” sey pa ni Vice.

Samantala, hinirang na champion ang team JKI sa Magpasikat 2023, habang second place naman ang team ARO (Anne Curtis, Ryan Bang, Ogie Diaz), at third place naman ang team JTV (Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Vhong Navarro). 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE