Vice Ganda recalls talent fee in amateur days

Unkabogable star na si Vice Ganda ikinuwento na minsan na ring nabarat ang kanyang talent fee noong kanyang amateur days. 

Sa kanyang interview sa Angkas CEO na si George Royeca, chinika ni Vice na may hindi siya nakuhang raket dahil hindi siya pumayag na makipag-negotiate sa kanyang talent fee.

“Dati meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita daw ako, sabi nilang ganon. Kasi tinanong ako, ‘magkano ka ba sa raket, 2 hour show.’ Ganyan. Sabi ko, ‘ah ano po, P15,000’,” pagbabahagi niya. 

“Tas sabi, ‘ay pwede bang tumawad?’ [Sabi ko], ’ay hindi po kasi natatawaran kasi ‘yung talent’,” sagot ni Vice. 

Nandigan umano si Vice na ang maari lang i-negotiate ay ang oras ngunit hindi ang kanyang talent. 

“Kasi ang pwede mo tawaran yung oras, iiksian natin yung oras, pero ‘yung talent, hindi mo pwede tawaran,” sey ni Vice.

“So pag binayaran mo ba ako ng P5,000, babawasan ko yung jokes ko? Pag binawasan mo ba ako ng P5,000, ninipisan ko lang yung blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so hindi niyo pwedeng tawaran,” paliwanag niya pa.

“Kung ‘yun lang ‘yung budget niyo, ang iiksian natin ay ‘yung oras, pero hindi niyo ko pwede tawaran ng same… meron kayong nire-require tapos ‘yun ‘yung oras, sabi ko ‘sorry po kasi hindi naman tinatawaran ang talent’,” dagdag niya pa. 

Kaugnay naman nito, inamin naman ng unkabogable star na nanghinayang din siya na hindi niya nakuha ang raket matapos siyang tumanggi sa negotiation. 

“Nanghinayang ako, pero dahil maldita din naman ako, sabi ko ‘I need to make a point. I will stand by it’,” pagpapatuloy niya.

Maliban pa rito, napag-usapan din nila sa vlog ang significance ng pagkakaroon ng isang manager bilang artist o talent. 

“You were talking about you being your own manager. I wanna bring up something that’s very Filipino, and I wanna get your thoughts on it. ’Yung hiya, ’di ba, kaya ka may manager is minsan yung talent, nahihiya presyuhan yung sarili niya eh. Nahihiya na mag-push ng deal, nahihiya siya sa sarili niya kasi baka mapikon sa kanya ‘yung producer or ‘yung ano… Ano yung mindset mo do’n?” tanong ni Royeca kay Vice.

“Totoo ’yun eh, yung abutan ng pera, nakakababa ’yun ng pagiging artist mo kapag binibilangan ka ng talent fee at tyaka ’yung tinatawaran ka,” chika naman ni Vice.

Tila maraming netizens naman ang nag-agree sa punto ni Vice. 

“True! Know your worth,” komento naman ng isa.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version