Anne Curtis nagpigil kahit kilig na kilig kay Gong Yoo

Sa wakas ay nakaharap na ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang ultimate crush, ang Korean superstar na si Gong Yoo na una niyang kinabaliwan sa mga pelikula at seryeng pinagbidahan nito, ang Train To Busan at Goblin.

Aminado si Anne na talagang iniiyakan pa niya si Gong Yoo, dahilan para magselos ng pabiro ang kanyang asawang si Erwan Heussaff.

Tulad ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico, kinaaaliwan din ng netizens ang mga post ni Erwan tungkol sa pagpa-fangirling ng kanyang asawa. Suportado naman nito ang lahat ng hilig ni Anne at siya pa mismo ang nag-uudyok sa aktres na gawin lang nito ang lahat ng makakapagpasaya sa kanya.

Sa opening ng Louis Vuitton Maison sa Seoul, South Korea na sakto namang nandoon din si Gong Yoo kaya nagkrus ang kanilang mga landas.

Anne Curtis with her ‘ultimate crush’ Korean drama actor Gong Yoo. Source: Preview.ph

Sa nakuhanang video sa pag-uusap nilang dalawa na inilabas ng Preview.ph, halata ang pagpipigil ni Anne at napanatili nito ang kanyang poise kahit na kilig na kilig siya sa Korean superstar.

Halos kalahating milyon ang isinuot ni Anne sa Louis Vuitton Maison launch in Seoul

Wala pang ipino-post na picture nilang dalawa si Anne sa kanyang Instagram account pero panay naman ang post nito kay Gong Yoo sa kanyang IG stories.

Tinutukan ng netizens ang fangirling ni Anne sa Korean Superstar sa simula pa lang kaya naman nag-trending ang kanilang pagkikita.

Unang-unang nag-react ang kanyang kapatid na si Jasmine Curtis Smith na napa-OMG sa kanilang dalawa, pero ang pinaka tumatak ay ang comment ni Kuya Kim Atienza na kanyang co-host sa It’s Showtime na sinasabing kamukha raw ni Gong Yoo: “Always nice to see you @annecurtissmith sana huwag ka magsawa sa akin.”

Samantala, hindi naman naisnab ang suot ni Anne na Louis Vuitton mula ulo hanggang paa.

Simpleng-simple lang ang kanyang ayos pero lumutang pa rin ang pagiging classy niya sa suot na colorblock knit dress na gawa sa wool at silk yarns na napapalibutan ng kakaibang disenyo sa manggas.

Binagayan niya ito ng LV Janet ankle boots na gawa sa black calf leather at patent monogram canvas. At siyempre pa, hindi makukumpleto ang kanyang porma kung wala ang cute niyang Valisette Verticale bag na mula sa Piece De Resistance: Fall-Winter 2019 collection.

Aabot daw ng $7,680 o P389,760 kung iko-convert sa Philippine peso ang kabuuan ng suot ni Anne.

Nagkakahalaga ng $3,200 ang LV colorblock knit dress nito, $1,720 naman ang halaga ng LV Janet ankle boots, habang $2,760 naman ang halaga ng Valisette Verticale bag. Hindi pa kasama rito ang mga jewelry at accessory na kanyang ginamit.

Show comments
Exit mobile version