“Kaya pala kinabit niyo na ‘tong ilaw kasi hindi ko na kayo makakasama sa Christmas. Kaya pala inayos niyo na mga certificate at picture ko kasi wala na din kayo sa graduation ko.”
This was the statement of uploader Rona Joy Aragon when she shared a video of her lolo before he died last May 18, 2023.
“’Yung nag-viral po kasi sa video, ‘yun po ‘yung time na, bigla po silang [lolo] nag-ayos nung kwarto ko.Tapos sabi nila [lolo], ‘Parang gusto kong lagyan ng ilaw ‘tong kwarto mo, gusto kong ayusin.’ Sabi ko po kay daddy, ‘bakit n’yo gustong biglang ayusin? Di ba ano, meron kayong sakit?’” Rona told The Philippine STAR/LatestChika.com in an exclusive interview.
Adding, “Bigla po sila [lolo] nagkabit ng mga Christmas lights, ta’s ‘yung mga certificates ko po, slots ng mga nakuha ko po sa schools. Pagka-ilaw po nila nung Christmas lights, tuwang-tuwa po kami nun. Tuwang-tuwa din po si lolo ko.”
Rona said her 80-year-old grandfather, Lolo Ernesto, was used to arranging things at their house which was why she didn’t think that it was an unusual move from him.
“Ganun po talaga sila na every may achievement po kami, sila po talaga ‘yung nagfi-fix ng mga ganun, mga certificates, mga pictures po. Pero no’ng time na ‘yung kasama na po ‘yung Christmas lights, [nagtaka na ako]. Kasi madalas po, sa labas po ng bahay namin nilalagay ‘yun eh. Tapos sabi nila [lolo], ‘Gusto ko ikabit ‘yung Christmas lights sa kwarto mo, para may ilaw ka tuwing gabi,’” she recalled.
Rona grew up with her grandparents. That’s why she was heartbroken when her grandmother Lola Lucita died on April 27, 2022. After a year, Lolo Ernesto passed away.
Noting, “Simula nung nagkaroon po ng parang problema doon sa pamilya namin, sila na po ‘yung talagang naging kasama po namin sa pagtanda. Lahat ng gusto namin sa life namin, sila po ‘yung nagbibigay. Lalo na po sa pag-support po sa amin sa lahat ng mga activities sa schools.”
“Hindi po sila nagkulang. Kung ano po ‘yung alagang ginawa nila nung bata kami, hanggang sa nawala po sila, hindi po nabawasan ‘yung pagmamahal na binigay po nila sa amin,” she added.
Rona graduated from the University of Pangasinan with a degree in tourism. Unfortunately, her grandparents didn’t make it to her graduation.
“Sila po sana ‘yung aakyat sa stage. Lalo na po na nakapasok po ako sa cum laude. ‘Yun po sana ‘yung parang surprise po sa kanila na ito na pala ‘yung apong pinag-aral ko ganun po kaso hindi po nila naabutan,” Rona emotionally said.
Until now, Rona said she can’t still believe that her lolo and lola are gone.
“Hindi pa rin po nakakapag-adjust, kasi po ‘yung lahat po ng luto ni daddy [lolo] every time na galing po akong school noong college po ako, inaantay nila ako sa school bago sila kumain. Nilalaan ko po ‘yung life ko para maging busy kasi hindi pa rin po naghi-heal. Hindi ko pa rin tanggap. For almost 21 years ko po sila kasama,” she said.
“Ang dami ko po kasi pangarap para sa kanila kaso hindi na po nila inabutan. Hindi ko po sila nasuportahan. Ginawa ko po silang inspiration na ituloy ko po ‘yung pangarap ko,” she added.