Ibinahagi ng mga BINI members ang ilang moments kung saan nagkaroon sila ng unpleasant encounter sa mga fans na humihiling na magpa-picture sa kanila.
Sa kanilang docuseries na “BINI Chapter 2: Here With You,” nag-open up ang BINI member na si Sheena patungkol sa kanilang na-experience na tila may ilang lalaki na sumunod umano sa kanila.
Why do some people act this way? That's honestly pretty scary. I'm crying 😭 pic.twitter.com/Ed75jOVYSw
— gwenjoy (@sooyoungapuli) November 8, 2024
“Apat ata kami or lima kaming BINI girls, naglalakad kami, ta’s naramdaman namin, may sumusunod. Ang nakakatakot pa, mga lalaki kasi yon,” kwento ni Sheena.
“Ta’s nakaramdam na kami na magpapa-picture [sila]. [Sabi namin], ‘Sorry po kuya, late na po. Ano na lang po, next time. Galing po kaming training, pagod po kami.’ Ganyan, ta’s ano… larga. Pero hindi, hindi sila nag-give up,” saad niya.
“Ayaw naming saka sila mag-stop kapag makikita nila kung saan kami nakatira,” dagdag pa nito.
Dahil dito, inamin ni Gwen na natakot siya sa kanilang na-experience.
“Syempre nakakatakot talaga yung susundan ka ng hindi mo kilala. Kahit hindi ka kasi artista, ‘di ba po, parang pag may sumunod sayo, or may nag-abang sa bahay niyo, naka-masid na ganyan, syempre, matatakot ka rin talaga,” pahayag niya.
On being interrupted while eating
Maliban naman kina Gwen at Sheena, nag-share din ang BINI leader na si Jhoanna patungkol sa isang encounter niya with a fan na humihiling na magpa-picture sa kanya habang siya’y kumakain.
“[Kumakain kami ng] bulalo, isda, ganyan… Puno pa yung bibig ko, may lumapit na magpapa-picture,” kwento ni Jhoanna.
“Sabi ng tito ko, baka okay lang pagtapos kumain, kasi ‘di ako makasagot kasi may laman bibig ko. Ta’s parang [sabi nila], ‘Sorry po, uuwi na po kasi kami.’ Ta’s parang ako… ‘Ah, okay po,’” wika pa niya.
this is a reminder to respect the girls’ time and privacy. they’re supposed to feel free and comfortable even if they're around other people. they are all willing to accommodate all of you, but please, wait for them to finish their food first#BINIDocuHereWithYouOniWantTFC #BINI pic.twitter.com/pXBZaiPgSq
— seah 𐙚 (@myaiahbooster) November 8, 2024
Dahil dito, sinabi ni Mikha na “pet peeve” niya umano ang mga nag-a-ask ng picture sa tuwing sila ay kumakain.
“My pet peeve is being interrupted while I’m eating. Like that’s just all I ask, like don’t interrupt me while eating, maybe after eating,” pahayag niya.
“We would appreciate it if they would ask after we eat,” dagdag pa ni Sheena.
Samantala, ayon naman kay Aiah, na-experience niya rin na mayroong fans na humihiling na magpa-picture habang siya’y nasa comfort room.
“Na-try ko yung sa banyo, na parang nasa loob pa lang, naririnig ko na, ‘Asan si Aiah? Pwede magpa-picture?’” kwento niya.
“Parang wait lang, pati dito?” saad pa ng P-pop idol.
On dealing with public attention
Kwento ng BINI, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sanay sa attention na kanilang nakukuha tuwing sila ay nasa public place.
“Ngayon po, naninibago pa rin po kami and hindi pa rin po nagsi-sink in sa mga utak namin na ayon, parang somehow, sikat na talaga,” wika ni Stacey.
“Nakakatakot po kunwari nasa public place po kami, kasi every time na may gagawin ka, tutok po talaga yung camera sayo,” pagpapatuloy niya.
Dahil dito, ayon kay Mikha, nagiging mas careful na sila sa kanilang mga gagawin.
“Now that a lot of people are paying much, much more attention to us, it makes us move more careful outside,” wika ni Mikha.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Aiah sa kanilang mga fans na respetuhin ang personal time ng mga BINI members.
“That simple personal time is like our way of just having our ‘me time.’ In a way na we get to regain this energy,” pahayag niya.
“And that’s why it’s important na we have that,” dagdag pa nito.