Gerald Anderson conducts relief operations for Typhoon Kristine victims

Hinangaan ng mga netizens ang aktor na si Gerald Anderson matapos itong magsagawa ng relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Sa Instagram post ni Gerald, nag-upload ito ng ilang photos kung saan makikita silang nagre-repack ng ilang relief goods.

Kasabay nito, nagpasalamat din ang aktor sa mga sa lahat ng nagbigay ng donations at sa mga volunteers na tumulong sa kanyang inilunsad na relief operations.

“Thank you to everyone that supported our cause. Your compassion and generosity made this possible.  Our strength lies in coming together during crisis,” wika niya.

“Thank you to my friends and family who supported this mission by donating and offered their time to repack.  To all my friends in the industry that donated salamat,” dagdag pa niya.

“To all the rescuers and selfless volunteers, maraming salamat. Your efforts to provide safety, care, and support to families affected by the typhoon are deeply appreciated,” pagpapatuloy pa nito.

Kumalap naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang post ng aktor.

“Silent hero ka talaga Gerald,” saad ng isang netizen.

“Apaka consistent nito ni @andersongeraldjr. Salute sayo lodi. Tumutulong kahit hindi tumakbo sa pulitika, yan ang TUNAY!” dagdag pa ng isa.

Maliban sa pagsagawa ng relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol, nagbigay din ng relief goods si Gerald sa mga ilang evacuation centers sa Batangas.

Sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog, pinasalamatan nila ang aktor matapos itong mag-abot ng mga food items sa evacuation centers sa bayan ng Agoncillo at Laurel, Batangas.

“Sa pamamagitan ng mga donasyon na kanyang nalikom mula sa mga nagbigay ng tulong sa social media platforms, naipamahagi sa mga residente ang mga food items tulad ng bigas, kape, at instant noodles; pati na rin ang damit, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan para sa mga apektadong mamamayan ng Agoncillo at Laurel,”  saad ng PCG District Southern Tagalog. 

Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay nakatanggap ng recognition si Gerald mula sa PCG para sa kanyang rescue efforts sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina noong Hulyo.

Show comments
Exit mobile version