‘Answered prayer’: Ryan Bang grateful for complete family dinner years after parents’ separation

Naging emosyonal ang TV host na si Ryan Bang matapos siyang mag-share patungkol sa naging separation ng kanyang parents. 

Sa kanilang Magpasikat 2024 performance nina Vice Ganda at Karylle Tatlonghari-Yuzon, napag-usapan nila ang patungkol sa “hope.” Dito ay nag-open up si Ryan patungkol sa kanyang naging experience.

“Ngayon, naniniwala ako sa hope, pero nu’ng bata ako, grabe… Nu’ng grade 1 ako, grade 2, grade 3, yung magulang ko, lagi silang nag-aaway. So pinag-pray ko na lang kay Lord, ’Lord, sana hindi po sila away today,’ pagbabahagi ni Ryan.


“Nung grade 4, grade 5, sobrang away eh. Nag-decide na sila, wala eh, divorce. Hindi sinagot yung prayer ko kay God, nawala yung hope ko du’n,” dagdag pa nito.

Ayon kay Ryan, sa kabila ng nangyari, bumalik ang kanyang hope noong nagkaroon sila ng simple family dinner kasama ang kanyang fiancée na si Paola Huyong.

“First time nila ma-meet si Paola… Niyaya ko si Mommy, dinner with Daddy… Sobrang saya ko, nakita ko si Mommy, tumatawa sa joke ng Daddy ko,” kwento niya.

“Natupad yung hinihingi ko kay Lord na isang simpleng dinner,” dagdag pa nito.

“So yung hope ko talaga, yung hiling ko na mabuo sila dito sa Manila. May nakikita ako na posible pala. May [pag-asa], yung hope ko,” pagpapatuloy niya. 

Matatandaan nitong Hunyo lamang ay ibinahagi ni Ryan sa isang Instagram post na “answered prayer” umano ang nangyaring simple dinner kasama ang kanyang parents. 

“Araw araw kong pinagppray kay God na sana dumating ulit yung araw na magkasama ulit kami kahit sa isang dinner lang at ngayon answered prayer talaga na nagkasama kami ulit. […] Wala talagang imposible kay Lord,” saad ng TV host. 

Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version