Ryan Bang gives advice to aspiring Korean content creators in PH: ‘You really have to love the Philippines’

Nagbigay ng kanyang piece of advice ang TV host na si Ryan Bang para sa mga aspiring Korean content creators sa Pilipinas. 

“Ganito lang ’yun. Ang Pilipino, sobrang bait pero alam nila kung sino ‘yung charot charot o hindi. Matalino kasi mga Pilipino eh,” wika ni Ryan.

Ayon sa kanya, dapat “sincere” umano ang pagmamahal ng mga Korean content creators sa Pilipinas. 

“[…] Hindi pwedeng charot charot eh. Dapat sobrang sincere. If you are in the Philippines, kung gusto mo maging star here in the Philippines, first of all, you really have to love [the] Philippines. Hindi pwede ‘yung para sa YouTube niyo, TikTok niyo, para sa hanapbuhay na sinasabi niyo mahal niyo [‘yung] Pilipinas… Dapat sincere, talagang galing sa puso, mahal na mahal niyo ‘yung bansang Pilipinas,” pahayag niya.

Maliban sa pagmamahal sa bansa, nararapat din umanong mahalin ng mga content creators ang mga kababayan na Pilipino.

“Hindi lang Pilipinas, ’yung mga kababayan na mga Pilipino, talaga you really have to love them. ’Yung nakikita niyo sa kalsada, kahit off cam na mga bata sa kalye. ’Pag may nangyayari sa Pilipinas na hindi maganda, dapat sad din kayo. ’Pag ganon, people will love you,” pagpapatuloy pa nito.

“Hindi ‘yan importante sa mga Pilipino na sobrang galing kumanta. Mas marami magaling kumanta kasi na mga Pinoy, kaysa Korean eh. […] Unlike Korea, [sa] Korea kasi very trained. Five years, tapos ‘pag magaling sumayaw, magaling kumanta, sikat sila eh. Iba dito. Hindi pwedeng puro ganun lang,” wika niya.

“[Ang] importante, gusto ng Pilipino, ‘yung sincere ‘yung pagmamahal ng mga foreigner,” lahad pa nito.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version