Son pays tribute to late mother by having her last letter tattoed on his body

Tila naantig ang damdamin ng mga netizens sa heartwarming na tattoo ni Vincent John Tuibeo. 

Sa tattoo ni Vincent, makikita ang last letter na isinulat ng kanyang ina na si Joyann bago ito pumanaw noong 2010 dahil sa sakit nitong cancer.

Kwento niya, first tattoo niya umano ito kung kaya’t nais niya itong maging memorable. Dahil dito, pinili niya na gawing tattoo ang last letter ng kanyang yumaong ina.

“First time ko pong magkakaroon ng tattoo and naisip ko na gusto ko po na meaningful talaga siya. At first hindi po ako makaisip ng design until one time nakita ko yung old wallet ko that my late mother gave to me before and naalala ko na nandun pa yung letter na binigay niya sakin 13 years ago,” pahayag ni Vincent sa exclusive interview ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND).

“Nung nakita ko po yung letter agad agad ko siyang sinukat sa rib cage ko and sobrang nag fit siya then that was the time na sobrang decided na ko na it will be my first tattoo,” dagdag pa nito.

“Then waiting nalang po ako sa perfect opportunity with super excitement na maipa-tattoo na siya then nakahanap na po ako ng artist and everything was scheduled and then napa tattoo ko na po siya last April 7,” pagpapatuloy niya pa.

Ayon naman sa tattoo artist ni Vincent na si Alexis Serdeña, unang beses niya rin umanong maka-encounter ng ganitong design ng tattoo. 

“First time ko po nakapag-tattoo ng ganito. Habang ginagawa ko yung tattoo dun ko mas na feel yung sulat ng mother niya sa kanya, nakaka touch talaga,” wika niya.

“Masarap sa pakiramdam ng isang tattoo artist yung maging part ka ng storya ng tattoo ng client,” pagpapatuloy pa nito.

Umani naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang tattoo ni Vincent.

“Sa lahat ng tattoo ito ung the best,” komento ng isa. 

“Pinakamasakit at pinakameaningful na tatts,” hirit naman ng isa.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version