Dani Barretto expresses opinion on giving back to parents

Kumalap ng iba’t ibang reaction mula sa mga netizens ang recent TikTok video ni Dani Barretto kung saan niya ipinahayag ang kanyang opinion patungkol sa pag-give back sa magulang. 

Sa kanyang “Bare It All” podcast ay napag-usapan nina Dani ang patungkol sa pagkakaroon ng “utang na loob sa magulang.” 

@bareitallpodcast Let’s stop this toxic culture ? #fyp #pinoypodcast #podcast #familyproblems #parentissues #lifeadvice #lifelessons ♬ Late Night Melancholy – Rude Boy

“Hindi ka pwede magkaroon ng utang na loob sa isang bagay na dapat nilang gawin para sayo. The other things maybe, like let’s say they sacrifice this to be able to give you this life, I get the utang na loob, the factor, but kasi there are some people that uses that against people, parang ’Pinaaral kita, pinaganito kita, ganyan ganyan, so dapat ito yung binibigay mo sakin,’” sey ni Dani.

“Your parent is always gonna be your parent, hindi mawawala yung pagmamahal at respeto mo sa pamilya mo eh, but for me, that line is like, goes beyond it,” wika niya. 

“It’s like ako, I’m a mom now. I can say that. I’m required to give my kid the life that she deserves right now until she’s able to do it on her own, ’di ba? But not forever,” pagpapatuloy nito.

“Let’s say when she has her own family, I can’t require my kid na ‘Kailangan mo akong bigyan ng allowance kasi pinaaral kita.’ Parang at one point, you have to fly,” dagdag pa ni Dani. 

Kaugnay nito, tila hati naman ang naging reaction ng netizens patungkol sa nasabing topic. 

“Iba yung requirement sa responsibility,” komento ng isa.

“Yes!!!! Doing your Basic responsibility to your children is not an Utang na loob,” wika pa ng isa. 

Dahil dito, sa isa pang TikTok video ay nilinaw ni Dani na nagpahayag lamang siya ng sarili niyang opinyon at nire-respeto niya rin umano ang opinyon ng iba.

@bareitallpodcast

Just to clarify some things regarding the previous video about utang na loob. This is just my opinion, kung hindi man tayo pareho ng pananaw, nirerespeto ko po yun. ??

♬ original sound – Bare It All Podcast

“I never said na ’wag kayo magi-give back sa pamilya niyo, na ’wag niyong susuportahan yung pamilya niyo, or ’wag kayong maging mabuting anak at i-spoil sila, at… whatever you said in the comment section. I never said that. Wala po akong sinabing ganon. Ang point po nung video na ’yon, is ang opinyon ko po, is that giving back should be voluntary, not obligatory,” paglilinaw ni Dani. 

Kasabay nito, binigyang diin ni Dani na obligasyon umano ng bawat parents na buhayin ang kani-kanilang mga anak. 

“Ang sinasabi ko lang po, I think it’s unfair na yun ang ginagamit na panumbat sa mga anak kapag lumaki na sila at kumikita na sila nang sarili nilang pera,” pagpapatuloy pa ni Dani. 

“Because meron paring toxic Filipino culture dito sa ating bansa na ino-obliga o nire-require nila yung mga anak nila na suportahan sila, buhayin sila, and all of that dahil sinusumbat nila sa mga anak nila na pinaaral sila, pinakain sila, they put a roof over their heads… all of that,” saad niya.

“Obligasyon po ng bawat magulang na paaralin, bigyan po ng bahay or roof over their heads ang kanilang mga anak, pakainin, bihisan, and all of that. Obligasyon po yan ng mga magulang sa kanilang mga anak,” wika pa niya. 

Show comments
Exit mobile version