Nagbahagi ang TV personality na si Kim Chiu ng ilang mga realizations sa kanyang solo travel papuntang Singapore upang manood ng “The Eras Tour” concert ni Taylor Swift.
“As you can see, I am traveling solo. And may nabasa kong quote na ‘As you travel solo, being totally responsible for yourself, it’s inevitable that you will discover just how capable you are,’” pahayag ni Kim sa kanyang vlog.
“So parang merong sense of self-discovery when you travel alone. And medyo scary siya, pero pag hindi mo hinaharap kasi yung fear mo, it will always haunt you,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, nag-share din si Kim ng kanyang experience sa panonood ng concert mag-isa.
“‘Yung mga music ni Taylor Swift really speaks sayo. Sobrang surreal ng experience kasi kahit wala akong kasama, kahit wala akong ka-share ng experience, Taylor Swift and Taylor Swift’s songs kept me company,” paglalahad niya.
“Medyo weird siya pakinggan to watch a concert alone but it’s super fun. […] Kasi parang hindi mo na maiisip yung kasama mo, papakinggan mo na yung music, makikita mo na yung idol mo,” pahayag pa nito.
Ayon pa kay Kim, “one for the books” umano ang experience niyang ito.
“It’s a different experience to travel and to watch a concert alone. Kasi parang you [are] acknowledging yourself na iwan ka man ng lahat, but at the same time, you only have yourself,” saad ni Kim.
“Through good times and the bad, nandyan lang naman yung sarili mo sayo,” dagdag pa nito.
“I had an amazing time, a memorable experience, and this experience will be one for the books for me,” pagpapatuloy pa niya.