‘Rags to Riches’: Netizen shares inspiring story of rescued furbaby

Naantig ang damdamin ng mga netizens sa inspiring story na ibinahagi ng furparent na si RJ Arranguez kung saan tampok ang ‘rags to riches’ journey ng kanyang rescued furbaby na si Suchi. 

Kwento ni RJ, December 25 last year nang una niyang matagpuan si Suchi. Dahil dito, itinuturing niya umano ang kanyang furbaby bilang “best gift ever.”

“Nung pasko, bale pababa ako ng sasakyan nun and pagtalikod [ko] para kumuha ng gamit, napansin ko agad siya dahil sa mata nya. Pero nagtataka ako kung ano ‘yun, akala ko pa nga pusa kasi sobrang liit niya,” kwento ni RJ. 

Ayon pa sa kanya, nang dalhin nila sa veterinarian si Suchi ay dito nila nalaman na marami umano itong existing conditions at hindi rin umano regular ang vitals nito.

“Nung nag-start na na dalhin namin siya sa vet, dun namin nalaman story niya. Adult na siya. Her nails are very long na curvy, sign daw na naka cage sya. Possibly a breeder dog. Her vitals are all irregular. Severe mange, yung ngipin niya one-seat-apart na nga umuuga pa, ‘yung infection sa ear niya hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala sa sobrang grabe, her kidneys, liver, halos lahat ata hindi normal,” saad niya. 

Dagdag pa ni RJ, noong una ay nag-decide sila na hanapin ang owner nito, ngunit 1 month na ang nakalipas ay wala pa rin umanong nag-claim kay Suchi.

“Ang tagal namin naghanap ng owner nya, hindi lang kami umasa na may mag-message, sinuyod namin lahat ng missing posts. Nag-post agad kami sa group chat ng community namin looking for the owner, and even ask for help to keep the dog for a while since may large dogs kami sa bahay, habang hinahanap yung owner. For a month, wala, may ilan na gustong mag-adopt sa kanya pero kasi pa-new year ’non,” wika niya. 

“May nag-claim na owner sa wakas, nakita niya ‘yung dog, sabi niya babalikan niya ko, [it] took weeks, ako pa nangulit, sabi niya sa totoo lang ‘di na daw sya sure kasi mukhang malaking gastos,” kwento niya.

“It broke our heart. We took down all the post about her since we decided na to keep her. Alam naman na namin na pinabayaan na siya talaga. Nag-doubt kami na ibigay kasi pano pag pinabayaan siya ulit. Ang plan to keep her only until after holiday pero wala, na-attached na e,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, healthy na healthy na umano si Suchi at sinasama rin nila ito sa kanilang trips and vacations.

Ayon naman kay RJ, shinare nila ang story ni Suchi upang makapag-inspire ng ibang netizens. 

“Actually, we posted her to inspire others na kung pwede naman mag-adopt, mag-adopt na lang. Wala sa breed yan, nung nakita namin siya hindi rin namin inisip na may breed sya, sa sobrang liit nya para lang siyang tuta na may malalang galis. Lately ang dami namin nakikita sa social media na neglected dogs. Sobrang nakakadurog kasi ng puso,” pagbabahagi niya.

Kasabay nito, may message naman si RJ para sa mga kapwa furparents na maging responsible sa pag-aalaga ng mga furbabies.

“Sa mga owner naman, please guard them and alagaan na parang totoong baby nyo. Alam mo ‘yung wala naman silang alam e. Si Suchi minsan niloko namin na tinaguan namin siya, nagtago kami sa likod ng sasakyan and kita mo ‘yung pagkatuliro niya kakahanap. Sa mga totoong furparents, alam nyo kung gaano kasakit mawalan ng furbaby pero pinagkaiba natin sa kanila, tayo maiintindihan natin, sila, never nilang maiintindihan kung bakit biglang nag-iisa na lang sila,” mensahe niya pa.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version