Pres. Digong ‘di napagbati sina Gretchen at Marjorie

Naging controversial ang pakikiramay ni Pres. Rody Duterte sa ama nina Gretchen, Marjorie and Claudine Barretto na si Mr. Miguel Barretto sa Heritage Park the other night, October 16.


Diumano kasi ay naging saksi ang presidente sa serye ng totoong buhay ng pamilya Barretto.

Kuwento ng source, sinubukang pagbatiin ni Pres. Digong ang magkakapatid na Gretchen at Marjorie pero wala raw nangyari. Ayaw daw ni Marjorie.

Nagagalit diumano kasi si Marjorie nang dumating si Gretchen na nataon na naghihigpit din ang PSG sa mga taong papasok sa wake ng kanilang ama. Given na ‘yun dahil andun ang presidente na kasamang dumating sa lamay sina Sen. Bong Go and presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo.

Feuding sisters Gretchen and Marjorie Barretto

Sinalubong daw si Pres. Digong ni Claudine at pagdating sa loob ay nag-usap sina Mommy Inday Barretto, Gretchen (na kasunod dumating ng presidente with businessman Atong Ang) and Claudine.

Sa family room daw ng chapel kung saan nakahimlay ang ama nilang si Miguel ay nagagalit si Marjorie dahil nga biglang umeksena si Gretchen.

Doon daw sinubukang ayusin ng presidente ang magkakapatid. Nag-request daw itong mag-handshake ang dalawa pero nindi pumayag si Marjorie. Pero diumano ay naging palaban ang isang pamangkin ni Gretchen na ang pangalan ay si Nicole, anak ng kapatid nilang si Jayjay.

Sumugod daw ito na parang sasampalin si Gretchen pero nahawakan diumano ito ni Gretchen sa kamay kaya nauwi sa sabunutan.

Napasigaw pa raw si Julia at Leon, anak ni Marjorie at feeling daw ng mga ito ay set up ang nangyari. Kahit daw ang mga PSG ng presidente ay nagulat sa mga nangyari.

May mas malalim umanong dahilan ang away nina Gretchen at pamangkin nitong si Nicole.

Nauna nang nag-upload si Claudine ng “And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME,” sa pagdating ng kapatid niyang si Gretchen.

Nagpasalamat din siya kay President Duterte, Sen. Go and Atty. Panelo sa pakikiramay sa kanilang pamilya.

“Thank you Mr.President its an Honor to have u pay your Respects to my Dad.Godbless u Mr.President, Senator Bong Go & Atty.Panelo.”

Matagal ding hindi nag-usap ang kanilang inang si Mrs. Inday at and anak na si Gretchen at maging sila Marjorie. Nauna nitong nakaayos si Claudine.

Pero nang dumating ito sa lamay kasunod ni Pangulong Duterte ay nagyakap sila ng ina.

Ang kuwento pa ng source, diumano ay dumalaw lang si Gretchen nang malaman daw ng socialite na dadalaw ang pangulo.

Aside from Atong Ang, may entourage diumano ito nang dumating sa wake ng kanilang ama.

Almost seven years na ang away ng mag-ina na umabot pa sa matinding sagutan sa social media. Wala namang update si Gretchen sa kanyang social media account tungkol sa pagdalaw niya sa burol ng ama.

Samantala, wala pang detalye kung kailan ang interment ni Mr. Barretto.

Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Exit mobile version