Dingdong Dantes at Marian Rivera, magiging busy sa primetime ng GMA sa 2020

Kasama ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera sa primetime programs for 2020 ng GMA 7. Handang-handa na nga ang highly-anticipated local adaptation of the hit Korean series, Descendants of the Sun (DOTS), pagpasok ng 2020.

Headlined by Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado, DOTS Philippines tells the emotional love story of alpha team leader Captain Lucas Manalo or “Big Boss” and Dr. Maxine dela Cruz a.k.a. Beauty. Joining them are Rocco Nacino as Diego Ramos or “Wolf” and Jasmine Curtis-Smith as Moira Defensor.

Dingdong Dantes and Jennylyn Mercado topbill the Philippine adaptation of the K-drama Descendants of the Sun.

GMA’s Entertainment Group inked a partnership with the Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang flagship project para diumano’y mas maging tama ang participation ng military forces ng bansa. Direk Dominic Zapata is at the helm of this ambitious project.

Ngayong 2020 din ang much-awaited comeback ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes with Gabby Concepcion as her leading man in First Yaya. In the series, Gabby steps into the shoes of the Vice President of the Philippines who soon finds himself falling for the endearing yaya, na gagampanan ni Marian. But the romance is challenged by the PSG (Presidential Security Group) head played by Pancho Magno.

Marian Rivera is set to make her comeback via First Yaya with Gabby Concepcion as her leading man.

Kasama sa kukumpleto sa line-up of primetime programs for 2020 ng GMA 7 ang TV adaptation of the hit 1984 movie, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, starring Barbie Forteza, Kate Valdez, Ms. Snooky Serna and Ms. Dina Bonnevie. May special participation sa mapapanood na series sina Max Collins and Lovi Poe as the young Snooky Serna and young Dina Bonnevie. Anak ni Waray vs. Anak ni Biday is directed by Mark Sicat dela Cruz.

The TV adaptation of the hit 1984 movie, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, stars Barbie Forteza and Kate Valdez.

Mag-uumpisa na rin pagpasok ng taon ang Love Of My Life na pagbibidahan nina Carla Abellana, Mikael Daez and Rhian Ramos with Ms. Coney Reyes and Tom Rodriguez in a very special role. Love of My Life is under the direction of Don Michael Perez.

Love Of My Life stars (from left) Coney Reyes, Tom Rodriguez, Carla Abellana, Mikael Daez and Rhian Ramos.

Next year din ang pagbabalik sa TV ni Sen. Bong Revilla na ngayon pa lang ay nagiging controversial na. After many years nga, Sen. Bong Revilla, Jr. makes his comeback on GMA 7 next year via drama-fantasy program, Agimat ng Agila. In this thrilling and action-packed series, Sen. Bong will take viewers on vivid and whimsical adventures na lulutas isyu ng lipunan.

Sen. Bong Revilla Jr. returns to GMA 7 next year via the drama-fantasy program, Agimat ng Agila.

Box-office hits ng ABS-CBN, umarangkada rin sa Vietnam Pay TV

Umaarangkada pala sa Vietnam channels na K+ at Canal+ ang ilang Tagalog films na pinilahan na dito sa takilya. Unang umere noong Setyembre sa K+ ang highest-grossing movie of 2018 na The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasunod naman nito ang Love You To The Stars and Back na obra ni writer-director Antoinette Jadaone, starring Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ngayong paparating na Pasko (Disyembre 25), magpapatawa at magpapakilig naman ang I Love You, Hater nina Joshua Garcia, Julia Barretto at Kris Aquino. Ang Star Cinema/ABS-CBN ang producer ng tatlong box-office hit films.

At least hindi lang talaga sa streaming services puwedeng ipalabas ang Tagalog films, may ibang market sa ibang bansa. Matamlay ang kita ng local films sa mga sinehan lately kaya maraming umaasang sa streaming sites na lang sila mapapanood.

Show comments
Exit mobile version