Local concert producer hindi afford ang TF ng BTS!

Sad pero laglag nga ang Pilipinas sa Map of the Soul world tour ng K-pop superstars BTS na mag-uumpisa sa April sa Seoul. Iikot ang BTS sa ilang bansa sa Amerika, Europe and Asia mula April until September. At ayon sa online reports, kasama ang Japan sa pupuntahan nila sa Asia.

Nauna nang sinabi ng isang Pinoy concert producer na impossible nga para sa kanila na i-produce ang BTS sa Manila concert dahil sa sobrang mahal ng talent fee nito. Hindi raw afford ang TF ng grupo ng concert producer.

Ayon sa isang promoter na naka-chika ko, nag-compute na sila at lumabas na P50,000 each dapat ang ticket price ng manonood na hindi kakayanin ng maraming Pinoy fans ng K-pop na majority ay millennial. Base sa computation nila, hanggang P15,000 lang ang advisable sa Pinoy fans. Ang kaya lang daw magbayad ng 50K ay ang mga artistang super fan ng grupo.

Ang BTS ang pinakasikat na K-pop group worldwide. Ka-level ng BTS si Justin Bieber sa listahan ng triple-digit weeks sa Billboard’s Social 50 chart kung saan ayon sa story ng Billboard ay nanguna ang kanta ng K-pop superstars ng 100 weeks.

Kasama naman sina Liza Soberano at Arci Muñoz sa super fans ng BTS.

Student journalists suportado ang ABS-CBN franchise renewal

Nagpahayag ng suporta sa renewal ng franchise ng ABS-CBN ang College Editors Guild of the Philippines. Kinondena rin ng grupo ang mga banta ng presidente sa TV network sa in-upload nilang statement sa Facebook.

Samantala, ilang opisyal na nga ang nagpasa ng bill para ma-renew ang franchise ng ABS-CBN na kinabibilangan nina Sen. Ralph Recto, Rep. Vilma Santos, Rep. Sol Aragones, Rep. Joy Tambunting, Rep. Baby Arenas, Rep. Micaela Vialogo, at Rep. Edcel Lagman.

Iminungkahi rin ni Rep. Lagman na aksyunan na sa lalong madaling panahon ang renewal ng franchise dahil isa itong isyu ng freedom of the press.

Maraming artista na rin ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa isyu, gaya na lamang nina Liza Soberano at Sharon Cuneta na parehong hiling na magbago ang isip ng presidente para sa libo-libong empleyadong posibleng mawalan ng trabaho kapag nawala ang network.

Marami na rin pumirma sa 1 million signature sa social media, kabilang na sila Vice Ganda, Lea Salonga, Anne Curtis, Robi Domingo, Sunshine Cruz, Liza Soberano, Karla Estrada, Ria Atayde, Gretchen Ho, Agot Isidro, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Iza Calzado, Ogie Alcasid at Regine Velasquez, na nanawagan sa kanilang fans na pumirma na rin sa nasabing petisyon.

Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN Marso ng 2020, pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin sa kongreso ang mga panukala para ma-renew ito kaya marami na ang kabado lalo pa nga’t ang daming programa ng ABS-CBN.

Show comments
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Exit mobile version