Pinoy fans nagkagulo kay Brunei Prince Abdul Mateen

Nag-travel din kaya sa Calatagan, Batangas si Ria Atayde para ma-meet ng personal si Prince Abdul Mateen Bolkiah, son of Sultan Hassanal Bolkiah, ng Brunei?

Si Ria ang nakikita kong lahat yata ng post ni Prince Mateen ay pinu-pusuan niya. Isa rin Prince Mateen sa mga binabantayang athlete sa pagho-host ng bansa ng 30th Southeast Asian Games na officially ay magsisimula bukas. Member ng polo team ng Brunei si Prince Mateen na active sa social.

Maraming nagi-stalk sa kanya dahil nga sa kakaibang lifestyle bilang anak siya ng hari. At ang husay niya sa iba’t ibang sports, isa siyang pilot at animal lover.

Kauna-unahang Asian model ng LV, namatay sa taping sa China

Taiwanese-Canadian model/actor Godfrey Gao collapsed while filming a variety show in China. — Photo from Godfrey Gao’s Instagram

Nagluluksa ang fans sa biglaang pagkamatay ng Taiwanese-Canadian model/actor na si Godfrey Gao matapos mag-collapse habang nagti-taping ng variety show sa China. Ayon sa story na lumabas sa BBC.com, guest participant lang ang actor sa reality show nang mag-collapse at mawalan ng malay habang tumatakbo sa team event at binawian na ng buhay sa hospital.

Ang Taiwanese-Canadian actor ang kauna-unahang Asian actor na naging model sa ad campaign Louis Vuitton noong 2011. Nakalabas din ito sa Hollywood movie na The Mortal Instruments: City of Bones.

Ayon sa reports, nagkaroon siya ng cardiac death. Dalawang oras pa umano itong sinubukang i-revive.

Dimples Romana natakot sa sobrang paghihilik ng asawa

Dimples Romana at the presscon of her new endorsement deal with Juanlife insurance.

Dahil sa paghihilik o snoring, inoperahan ang husband ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee.

“Si Boyet, he has sleep apnea, severe sleep apnea, meaning, pag natutulog siya, pag nai-snore siya, dapat ‘wag natin ‘yung balewalain, ha?” sabi ng actress kahapon sa presscon ng bago niyang endorsement na Juanlife insurance.

“Di ba, minsan, iniisip mo, ‘grabe nang mag-snore ‘to,’ ginagawa pang katatawanan, di ba? ‘Yung ‘ang lakas mo na maghilik, grabe ka.’ Hindi maganda ‘yun, kasi nai-strain ‘yung heart mo, nahihirapan siyang huminga.

“So, si Boyet, tumitigil ‘yung heart niya pag (naghihilik),” kuwento ng actress na kahit kontrabida sa Kadenang Ginto ay sunod-sunod ang blessings.

“So, ayoko lang na wala ako sa bahay, hindi ko siya kasama, tapos, hindi ko siya magising. Ayoko ng ganu’n. So, always, prevention is better than cure,” sabi pa nito.

Show comments
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).
Exit mobile version