Marian Rivera hindi marunong ma-stress

Marian Rivera will stand firm on her statement regarding traffic. Basta positive lang siya at hindi paapekto sa stress ng traffic.

Marian Rivera stands by her statement on the traffic. Photo credit: Marian’s Instagram

Sabi nga niya ‘bakit dadagdagan ko pa problema ng isa pang problema.’ Bongga di bah! Go Marian, kaya ka pala beautiful, positive ang outlook mo sa buhay.

GMA may pa-birthday kay Mike

GMA News anchor Mike Enriquez

GMA will host a late birthday lunch for Mike Enriquez. Number 1 sa mega Manila ang DZBB and ito ang katibayan na mas gusto ng listeners sa radyo na TV pa, ang mga programa na nag-reformat for the good of the listeners.

Congrats Papa Mike and belated happy birthday!

Competition sa pampaganda, super tight

Mukhang parami nang parami ang mga beauty products at clinics na nagbubukas at nagkakaroon ng launch sa market. At kung mapupuna n’yo, halos lahat ng artista nagiging endorsers ng beauty products at clinics.

Mukhang flooded na nga ang market dahil hindi mo na alam kung ano ang talagang effective at paniniwalaan mo.

Siyempre una diyan ang Belo, Flawless, Beautederm, House of Obagi, Kamiseta Skin at IVI Meth products.

At credible din mga ambassador nila like Dingdong Dantes, Marian Rivera, Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, and beautiful entrepreneurs like Happy Ongpauco-Tiu and Yasmine Vargas. Hayyy, competition is really tight.

Scroll to Top