Categories
Bestlife Celebrity News Latest Chika Love and relationships

Karen Davila reveals Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo are her neighbors

‘Di man sinasadya pero parang ibinuko ni Karen Davila sa netizens kung saan lumipat ang newlywed na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ipinost ni Karen sa kanyang Instagram story ang photo nila nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kasama si Mr. Vic del Rosario at may caption na “Kapitbahays! @matteog @justsarahgph.”

Maraming nakakaalam kung saang condominium nakatira si Karen na last year ay nai-feature pa nga ni Alex Gonzaga sa kanyang vlog.

Marami tuloy fans ang nag-aalala dahil baka hindi ma-enjoy ng bagong kasal ang privacy na gusto nila.

Sa same condominium din nakatira sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at iba pang celebrities.

­Dapat sigurong limitahan ng mga artista at personalidad ang exposure ng kanilang tirahan sa social media para ma-maintain ang kanilang private space. Minsan kasi, dahil sa sobrang active sa social media at YouTube vlogging ng ilang personalidad ay nalalagay naman sa alanganin ang kanilang personal life.

Debbie Castillo

By Debbie Castillo

Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.