‘Sino ba mag-aakala na ate ko pala ‘yung totoong nanay ko?’: Millennial finds out true identity of biological mother after 41 years

After 41 years, this millennial from Quezon City found out the real identity of his biological mother.

While growing up, Eduardo “Papa JT” Lubrin II, said he thought he was really adopted in their family.

“Noong 1993, kinausap ako noong ate ko na who passed. Tinanong niya ako na, ‘Paano kung hindi si mama ang mama mo, magagalit ka?’ [Sabi ko] hindi, love ko pa rin si mama. Hindi ko alam kung bakit ‘yun ‘yung naging sagot ko. At hindi ko rin alam ‘yung pinakarason kung bakit niya ako tinanong nun,” he told The Philippine STAR.

He disregarded the question of his sister and continued living his life as a kid but when he was 13 years old, his brother again opened up the topic.

“’Tol, di kita tunay na kapatid pero ilalaban kita ng patayan.’ Lasing na lasing siya nung sinabi niya ‘yun. ‘Di ba, drunken words are sober thoughts. So, dun ko na napagtagpi na, ‘Ah, baka ampon ako.’ So pinarking lot ko ‘yun [sa isip ko]. ‘Yung kuya ko naman na nagsabi sa akin. ‘Yung lola ko na tiyahin ng nanay ko, sinabi niya sa akin ‘yun before she passed, 2021. ‘Alam mo, hindi ka anak ni Edna. Anak ka ng kaibigan niya,’” he recalled.

Eduardo is close to his mother, that’s why he couldn’t bear to ask questions that might hurt her.

“Ito na lang nung matanda na ako, nung nagtatrabaho na ako. Naisip ko, tanungin ko na ba siya? Lalo na nung namatay ‘yung tatay ko ng 2019. Hindi ko kasi makokontrol ‘yung magiging reaction niya. Hindi ko rin kaya. Kasi ayokong pasakitan ‘yung nanay ko or kung ano man ‘yung… Kung kaya ba niya sabihin sa akin, sasabihin niya. Kung hindi, ‘di, okay, eto ‘yung setup namin. Proceed as normal,” he shared.

After 41 years, Eduardo knew the truth. To his surprise, he was really part of the family.

“Akala ko [sa] teleserye lang ito eh. Mapapanood mo lang ito sa TV, mapapakinggan mo lang ito sa drama sa radyo,” he said in disbelief.

Eduardo narrated how he found out the identity of his biological mother.

“Nag-aaway sila [nanay ko at ate ko]. Tindi. So, pumasok ko sa trabaho. Hinayaan ko lang sila. Hanggang sa tumawag ‘yung nanay ko sa akin. Pinalayas niya na si Bakuz ‘Palayasin mo na ‘to. Hindi ko na ‘to matiis. Pakawalang modo,’” he said.

Adding, “Pag-uwi ko, nagbabangayan pa rin sila. Eh ako, usually, pagka inaaway ‘yung nanay ko or sinisigawan nakukorta ako eh. Imbis na magalit ako kay Bakuz gusto ko malaman kasi ang tagal eh. Mula umaga hanggang gabi, nag-aaway pa rin sila. So gusto kong makuha ‘yung puno’t dulo.”

Eduardo said he wanted to clear the air and calm the tension between his sister and mother.

“Ang dami nilang banter, batuhan, mga sumbat. So, nagsusumbatan na sila mag-ina. Tapos ‘yung ate ko, si Bakuz, sabi niya, ‘Hindi mo nakita ‘yung sakripisyo ko. Pinag-alaga mo ako ng mga kapatid ko nung bata pa lang ako. Anong klase kang ina?’  Siguro, ‘yun ‘yung naging mitsa ni mama para ma-trigger, para pumutok. So, ngayon, sinabi niya, ‘Sakripisyo? Ako, nagsakripisyo para sa’yo. O sige Jet, gusto mo malaman kung anong totoo? ‘Yang ate mo, totoong nanay mo!’ Ako naman, sabi ko, ‘Oo, alam ko,’” he narrated the moment when his mom revealed the truth.

Even if Eduardo disregarded the hearsay of the people around him, he knew in his heart that there was a possibility that his older sister, Bacuz, was his real mother.

“Eh di kumabit-kabit na lahat. Totoo nga pala na si Bakuz ‘yung nanay ko. Tapos kumalma na sila nun hindi ko alam ang reason ng nanay ko bakit niya nasabi ‘yun siguro sobrang na-trigger lang siya kasi nagsusumbatan na sila tungkol sa sakripisyo eh kung tutuusin siya ang may pinakamalaking sakripisyo kasi sinalo niya ako na anak ng ate ko at tinuring ako ng nanay ko na sarili niya,” he explained.

For Eduardo, nothing will change in their dynamics as a family and he will still consider his biological lola as his mother.

“Ang nanay ko na kinagisnan, siya magiging nanay ko hanggang huling hininga ko. Masaya ako na nalaman ko na hindi ako galing sa ibang pamilya. At least, dugo nila ako. Ayun ‘yung maganda ron. Apo niya ako.‘Yung ate ko, thankful ako na hindi niya ako ipalaglag. Magkakaroon ng talk. Kasi, gusto ko malaman ko ‘yung mismong tatay ko eh,” he said.

“Parang mas umuokay nga eh. Dahil ‘yung nanay ko, parang guminhawa ‘yung pakiramdam niya. Parang umaliwalas siya lalo. Kasi wala na siyang bagahe. ’Yung pinakatatago-tago niya, nasabi niya na,” he added.

Show comments
Janelle Lorzano likes long walks on the seaside and listening to people about their lives. When she isn't writing, she travels and discover new places.
Exit mobile version