Ashley Ortega reflects on her PBB journey: ‘Sobrang life-changing niya’

“Life-changing.” 

Ganito inilarawan ng aktres na si Ashley Ortega ang kanyang naging Pinoy Big Brother (PBB) journey.

Nito lamang March 29 ay na-evict si Ashley kasama ang kanyang ka-duo na si AC Bonifacio sa PBB Celebrity Collab Edition. Sila ang kauna-unahang celebrity duo na na-evict sa nasabing edition ng programa.

Matapos niyang lumabas sa Big Brother house, inamin ng aktres na sa ngayon ay hindi pa nagsisink-in sa kanya ang lahat ng nangyari.

“Ngayon, ’di pa nagsi-sink in lahat sa akin. Syempre, nabigla ako. Medyo na-sad ako pero syempre at the end of the day, kailangan kong tanggapin na this is a game, pero whatever [happened] inside the house naman, I’m gonna cherish everything,” wika nito sa isang interview ng GMA News.

Kasabay nito, ibinahagi rin ni Ashley ang kanyang experience sa pagiging vulnerable sa loob ng Big Brother house.

“Sa tagal ko sa industriya, first time ko lang talaga maging vulnerable nang ganon sa harapan ng maraming tao. So medyo feel ko I’m a changed person… Sobrang life-changing niya to the point na hanggang ngayon, medyo sabaw pa rin ako. Medyo hindi pa rin nakaka-sink in lahat ng nangyayari,” saad ng aktres.

“Natatakot din ako alamin kung ano nangyayari dito sa outside world, pero syempre, I’m grateful,” dagdag pa nito.

Maaga mang nagtapos ang kanyang PBB journey, sinabi ni Ashley na nagkaroon naman sila ng strong at solid bond ng kanyang mga co-housemates, sa loob ng halos tatlong linggo na sila’y magkakasama.

“Yung PBB kasi yung mga [co-housemates] ko doon, lahat sila matatapang, lahat sila mababait, I realized na they’re all different, pero yung pagsasama namin doon was really strong,” pahayag ng aktres.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman si Ashley sa suporta at pagmamahal na kanyang natanggap mula sa kanyang mga fans.

“Thank you all the overwhelming love and support. I did not expect any of this. All I ever wanted was to enjoy this once in a lifetime experience- being a housemate sa loob ng bahay ni kuya,” wika niya. 

“It was indeed a roller coaster ride filled with failures, success, sweat and lots of tears. Thank you for loving and accepting me for who I am,” dagdag pa nito.

Show comments
Exit mobile version