Alex Eala makes history as the first Filipina to reach semifinals in WTA 1000 event

Gumawa ng kasaysayan ang 19-year-old tennis player na si Alex Eala bilang kauna-unahang Filipina na nakapasok sa semifinal round ng isang World Tennis Association (WTA) 1000 event.

Matatandaan na nito lamang March 28 ay hinarap ni Eala si World No. 4 Jessica Pegula sa 2025 Miami Open Tennis Tournament.

Sa naturang game, nabigo si Eala matapos siyang matalo ni Pegula sa score na 7-6, 5-7, 6-3.

Ngunit matapos ang kanilang semifinal match, nakatanggap naman ng papuri si Eala mula kay Pegula.

Sa isang post match interview, inilarawan ni Pegula si Eala bilang magaling na tennis player.

“She’s really good. Really good tennis player. Goes for her shots, takes the ball early, rips, being a lefty so it’s tricky. Competes really well… She’s beaten a lot of top players this week. I don’t really think she needs me to tell her that she’s a great player, that we’re not gonna see enough of her. But we definitely are, and she proved that tonight,” pahayag ni Pegula.

Bigo man na makamit ni Eala ang tagumpay, maituturing pa rin na isang milestone ang kanyang buong run sa naturang tournament.

Sa katunayan, bago pa man makarating sa semifinals, tatlong Grand Slam champions na ang naunang tinalo ni Eala, kabilang na rito ang World No. 2 at five-time major winner na si Iga Swiatek.

Sa kabilang banda, ayon naman sa WTA, nakatakdang mag-uwi si Eala ng halos 19 million pesos para sa kanyang pagpasok sa semifinals.

Kasabay nito, umabante rin ang ranking ni Eala mula sa World No. 140 papunta sa World No. 75. Siya rin ang kauna-unahang Filipina na nakapasok sa WTA Top 100 rankings.

Dahil dito, nagpasalamat naman si Eala sa suporta ng kanyang mga Filipino fans.

“Success pa more! Mga kababayannnnn! Di ko talaga alam kung paano ibahagi sa inyo ang pakiramdam ko ngayon. Ang layo na nang narating natin, pero tuloy pa rin ang laban! Maraming salamat at sana subaybayan niyo ako sa susunod na laban,” pahayag nito sa kanyang Instagram post.

Show comments
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.
Exit mobile version