
Naging emosyonal ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Josh Ford matapos siyang mag-open up patungkol sa car crash na kanyang kinasangkutan noong taong 2023.
“I was part of a car crash nung March 2023. I think nakita niyo ‘yun. There was four of us in the car ta’s ako lang yung nag-survive,” pagbabahagi niya.
“Sinabi ko sa sarili ko, ba’t ako na naman, ba’t ito na naman, may nangyari na naman. Everything was going well,” dagdag pa nito.
Matatandaan na noong March 25, 2023 ay nasangkot si Josh sa isang car accident, kasama ang kanyang fellow Sparkle artists na sina Andrei Sison, Arman Velasco, at Paolo Bueza.
Si Josh lamang ang katangi-tanging nag-survive mula sa nasabing aksidente.
Samantala, matapos ang insidente, sinabi ni Josh na nagsilbi niyang inspirasyon ang kanyang mga yumaong kaibigan para sa kanyang pagpasok sa Big Brother house.
“’Di lang best friend tingin ko sa kanila, mga kapatid na eh, you know? Nawala sila because of a car crash,” wika niya.
“Si Andrei alam kong gusto niyang sumikat, si Arman, sila Pao, gusto nilang sumikat. So ginagawa ko rin ‘to para sa kanila,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, ibinahagi rin ni Josh ang pagbabago sa kanyang mindset matapos ang aksidente.
“After that, my mindset changed. You know, anything could change. You just have to be nice to people,” saad niya.
“Live your life every single day as if it’s your last. Kasi you’ll never know if it’s your last day or not,” pagpapatuloy pa nito.