TJ Monterde opens up financial struggles during early months of marriage with KZ Tandingan

Nag-open up ang OPM singer-songwriter na si TJ Monterde patungkol sa mga struggles na kanilang pinagdaanan ng asawa na si KZ Tangdingan.

Sa panayam ni TJ kay Karen Davila, binalikan niya ang early months ng kanilang marriage ni KZ. 

“There’s this time na kakakasal pa lang namin, medyo down din ako sa career ko nu’n. Wala ako masyadong trabaho. I asked my management to just, ‘Babaan niyo na yung (talent fee) TF ko, kahit ano, just be visible.’ I just want to be there. Kahit wala na masyadong TF, mababa lang,” kwento ni TJ.

“And KZ, she’s always been KZ. She’s always been there. Knowing na I’m the head of the house, I’m the lalaki, ako ’yung lalaki, so I felt like I should be the provider. But she never made me feel that way. Not even once,” pagbabahagi niya.

“Never ko na-feel ’yung masabi niya sa akin na, ‘Ikaw naman, ikaw yung lalaki dito.’ Wala akong naramdamang ganun. That’s one thing I really appreciate about her,” saad niya.

Kwento ni TJ, pambayad ng utility bills ang kanyang naging share sa kanilang bahay.

“[…] Minsan humihingi ako [ng] pasensya, ‘Babe, sorry, ano muna…’ Kasi bumili kami ng bahay, wala akong masyadong ambag du’n sa binili namin na bahay. Yung sa akin lang, parang minsan kuryente, tubig. Magkano lang naman ’yun. 

“Parang lagi kong inaano, ’Lord, ano ba ‘to, pang-kuryente, tubig na lang ba talaga ako dito? Paano kaya ‘to, Lord? Paano ko kaya maaabot yung ako naman ang magbabayad ng monthly namin na malalaki or magbabayad ng kotse, ganun?’” dagdag pa niya.

Ngunit sa kabila nito, ibinihagi ni TJ na patuloy pa ring naniniwala si KZ sa kanyang potential.

“Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Okay lang, maaano yan, darating yung time na ano naman.’ May tiwala talaga siya sa akin. […],” saad ng OPM singer.

“Nung times na kailangan na kailangan ko siya, andun siya. And yung manner niya of handling it, na never akong na-insecure. I mean, ako ’yung lalaki, pero siya ’yung parang mas nagpo-provide for us during that time,” pagpapatuloy pa nito.

Ayon kay TJ, sa ngayon ay pareho na silang nakakapag-provide ni KZ.

[Now], parehas na kami. Nakakapag-share na ko… Ngayon, kaya na,” pagpapatuloy pa nito.

Matatandaan na ikinasal si TJ kay KZ noong taong 2020. 

Show comments
Exit mobile version