
Feeling grateful ang BINI leader na si Jhoanna matapos ang kanilang sold-out “BINIverse” concert na ginanap sa Philippine Arena nitong February 15.
Sa isang letter na ini-upload ni Jhoanna sa social media platform na X, nagpasalamat si Jhoanna sa suporta ng kanilang mga fans.
🙏🏻❤️🩹 pic.twitter.com/nsekUUbYZC
— Jhoanna Robles 🦋 (@bini_jhoanna) February 16, 2025
“Blooms, you made it all worth it. The way you cheered, sang with us, and filled the arena with your lightsticks, it was magical. Salamat sa mga pa-banners, mga merch bawat fandom, USA blooms para sa pa-Here With You BINI sa langit hahaha, yung mad bus na may mukha namin. To my Amities, I love you so muchhh! We wouldn’t have done this without you. Until the end, it’s still us together,” saad niya.
Maliban sa mga Blooms, nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Jhoanna sa kanyang mga co-members.
“I want to thank the girls dabil nailaban natin. What we went through as a group nung nagsimula ‘tong taon ay hindi madali. But maybe this concert happened to bring us back to our old rhythm. The timing was perfect,” wika niya.
Kaugnay nito, ibinahagi rin ni Jhoanna ang kanyang learnings at takeaways matapos ang kanilang concert.
“If there’s one thing I learned from this concert, it’s that you just have to take risks. Believe and trust. 1 Peter 5:7 talgga ang kinapitan ko. ‘Yan ang nagpakalma sa’kin. We were nervous backstage. Ako sobraaaaang kabado. We had no idea how things would turn out. But we gave it our all last night. Every last bit of energy, every emotion, pati huling brain cells namin,” pahayag niya.
“And now, we’re going on a world tour! Ang gandang simula nitong sold-out concert natin sa PH Arena. I’m excited pero kinakabahan para sa world tour dahil nasa stage ulit kami na kung p’wede lang isa-isahin ang mga tao at bigyan ng flyers just to introduce BINI, we would! Hahaha Let’s gooo 2025! So many plans. World domination,” dagdag pa nito.
Matatandaan na kamakailan lamang ay ini-release ang world tour schedule ng BINI para sa taong 2025.
Ilan sa mga bansa na kanilang pupuntahan ay ang USA, Canada, Dubai, at iba pa.