![JHOPE NIANA](https://latestchika.com/wp-content/uploads/2025/02/JHOPE-NIANA-.png)
Napa-”sana all” na lamang ang mga netizens matapos i-follow ng BTS member na si J-hope ang Filipino content creator na si Niana Guerrero sa TikTok.
PRAYER REVEAL, NIANA! 🤩🙏
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) February 7, 2025
BTS member na si J-hope, finollow ang Filipino content creator na si Niana Guerrero sa social media platform na TikTok.
Si J-hope ang ikalawang BTS member na nag-follow kay Niana. pic.twitter.com/kD5COjixeI
Sa newly-launched TikTok account ni J-hope, makikita na limang accounts lamang ang fina-follow nito, at kabilang dito si Niana.
Kumalap naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang pag-follow ni J-hope sa Filipino content creator.
“Taga sana all na lang kaming mga [ARMY],” komento ng isa patungkol sa fandom ng Kpop supergroup na BTS.
“Ikaw na talaga Niana,” dagdag pa ng isa.
Si J-hope ang ikalawang BTS member na nag-follow kay Niana.
Matatandaan na unang nag-follow ang BTS member na si Jungkook kay Niana noong August 2023.
‘SANA ALL, NIANA’ 🤩👏🏼
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) August 3, 2023
Ito na lamang ang naging reaksyon ng mga Filipino fans makaraang i-follow sa TikTok ni BTS member Jungkook ang content creator na si Niana Guerrero. pic.twitter.com/70412zlzp4
Maliban pa rito, matatandaan na nagkaroon din sila ng interaction.
‘NIANA GRABE KA NA 😭'
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 17, 2023
“Sana all” na lamang ang nasabi ng mga netizens makaraang muling mag-comment ang BTS member na si Jungkook sa bagong TikTok post ng vlogger na si Niana Guerrero.
“Yeahhh,” saad ni Jungkook sa kanyang comment. pic.twitter.com/qswKObRvXm
Samantala, nakatakda namang pumunta si J-hope sa Pilipinas para sa kanyang upcoming “HOPE ON THE STAGE” concert na gaganapin sa April 12 at 13, sa Mall of Asia (MOA) Arena.
Kasabay nito, magre-release din ng album si J-hope ngayong March.