Naging emotional ang aktres na si Jillian Ward matapos siyang mag-open up patungkol sa hiwalayan ng kanyang mga magulang.
Sa isang interview kay Jillian nitong January 7, nabanggit ng aktres na naghiwalay ang kanyang mga magulang noong nakaraang taon.
’’PAG PUPUNTA AKO NG TAPING, KAYA KONG UMIYAK NG 14 HOURS A DAY KASI TOTOO PO ‘YUNG EMOTIONS’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 8, 2025
Iyan ang ibinahagi ng aktres na si Jillian Ward makaraang mag-open up siya patungkol sa separation ng kanyang parents. pic.twitter.com/QnR1Y9pt4Y
Ayon kay Jillian, naging mahirap para sa kanya ang separation ng kanyang parents.
“Last year, nag-separate yung parents ko. So naging sobrang hirap siya for me, honestly,” wika niya sa isang exclusive interview ng GMA Integrated News.
’Yun po ’yung mga time na nagpapa-interview po ko ta’s sinasabi ko na parang, ’Ah, I feel burned out, pero honestly, hindi po ako burned out lang. Talagang emotionally exhausted po ako,” dagdag niya.
Kwento pa ng aktres, paminsan-minsan ay nariring niya rin umano ang ilang conversation ng kanyang mga magulang.
“May time na naririnig ko ’yung parents ko na nag-uusap sila ng madaling araw bago ako mag-taping. Tapos I have to act like hindi ko naririnig ’yung mga conversations nila,” pagbabahagi niya.
“Kaya po ’pag pupunta ako ng taping, kaya kong umiyak ng 14 hours a day kasi totoo po ’yung emotions, ganun,” saad nito.
Kaugnay nito, nag-alay naman ng mensahe si Jillian para sa kanyang ina.
“Well, my mom is my life. Lahat po ng ginagawa ko is for her. Well my dad din, and my siblings. Pero, I super love my mama. So I hope she’s proud,” mensahe niya.