Ini-reveal ng aktres na si Andrea Brillantes na nais niya umanong i-pursue ang pag-aaral sa college.
Sa isang interview ng One Sports, sinabi ng aktres gusto niyang paglaanan ng time ang kanyang pagbabalik sa pag-aaral.
'I REALLY AM PLANNING NA MAKAPAG-COLLEGE AKO NANG SERYOSO'
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 12, 2024
Ganito ang saad ng aktres na si Andrea Brillantes sa isang interview matapos siyang tanungin patungkol sa kanyang plano na makapag-aral sa isang UAAP school. pic.twitter.com/JDo0aM6MMS
“Actually, gusto ko po talaga bigyan ng time ‘yung pag-aaral ko,” wika ng aktres.
“If given the possibility, I really am planning na makapag-college ako nang seryoso,” saad pa niya.
Ayon pa kay Andrea, goal niya rin umano na makapasok sa isang UAAP school.
“And yes, nangangarap ako na makapasok ako sa UAAP school, ayoko lang banggitin kung saan kasi baka ma-jinx or nasa-shy ako baka asarin ako ng mga tao,” pahayag niya.
“Nangangarap ako of course pero kumakayod pa ako eh,” dagdag pa nito.
Sa isang graduation speech ni Andrea noong 2023, matatandaang ibinahagi niya na tumigil siya sa pag-aaral nang magsimula siyang gawin ang TV series na “Kadenang Ginto.”
“Dati, nag-stop ako sa pag-aaral nung nagtrabaho ako for Kadenang Ginto,” wika niya.
“Mahirap yun para sakin kasi ayoko naman talaga itigil yung pag-aaral ko. Pero sa buhay natin, mayroon tayong kailangan harapin at piliin, kahit mahirap. Kailangan nating gumawa ng big decisions in life. At ayon, pinili ko po na mag-focus muna sa pagtatrabaho,” saad ng aktres.
“Gusto ko din po sabihin na ‘wag din tayo ma-pressure dahil lahat tayo, may sari-sariling storya. May sariling tayong success in life. May kanya-kanya tayong achievements,” dagdag pa niya.