Sinagot ng singer na si Regine Velasquez ang post ng isang netizen sa social media platform na X.
Sa isang post, sinabi ng netizen na pinapahalagahan lamang umano ni Regine ang kanyang mga fans sa tuwing concert season.
“[Love] [niya] l[a]ng fans [niya] pag concert [season],” wika ng naturang netizen.
Tugon ni Regine, hindi naman niya umano pinipilit ang kanyang mga fans na um-attend ng kanyang concerts.
“When did I ever ask you for something I need?? Did I ask you for money? I invite you to watch my concerts sure but I’m not forcing you too. I ask if you can listen to my songs which are practically free hindi kita pinipilit kung ayaw mo walang problema sakin,” saad niya.
‘YOU HAVE SO MUCH EXPECTATIONS OF ME YOU DON’T EVEN KNOW ME PERSONALLY’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) December 9, 2024
Iyan ang tugon ng singer na si Regine Velasquez sa isang post ng netizen sa social media platform na X.
“[Love] [niya] l[a]ng fans [niya] pag concert [season],” wika ng isang netizen. pic.twitter.com/tzlTJF0Zwr
Kasabay nito, sinabi rin ng Asia’s Songbird na hindi rin siya umano namimilit na hangaan siya ng fans.
“Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako YOU decided to do that I didn’t ask you to. But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sakin ano yun??” wika niya.
“You have so much expectations of me you don’t even know me personally you just think you know me but you don’t. God bless you,” pahayag pa nito.
Sa kasalukuyan ay naka-private na ang naturang account ng netizen.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suport kay Regine ang kanyang partner at singer na si Ogie Alcasid.
Baba, i love you. 🩷🩷🩷
— ogie alcasid (@ogiealcasid) December 7, 2024
“Baba, i love you,” mensahe naman ni Ogie.