This lola from Batangas continues to spread good vibes on social media after her granddaughter shared hilarious and sweet moments with her on TikTok.
25-year-old Phola Dianne Pabito said she started sharing videos of her Nanay Turing to preserve their memories. That’s why they were shocked when they went viral on TikTok.
“Noong una po talaga ginawa ko lang po ‘yung TikTok atsaka Facebook na parang compilations of video niya lang kasi iniisip ko nga po ilang, hindi naman masasabi ang buhay. So, gusto ko po sana may compilation ng videos niya. Tapos po nakikita ko po ‘yung videos kasi ako po natutuwa rin ako sa mga reactions niya talaga,” Phola told The Philippine STAR.
Besides the funny antics of Nanay Turing, the online community was touched by her unconditional love to her apos.
“‘Yung one-week na hindi niya makita ‘yung apo niya umiiyak na po talaga siya, kahit sino sa apo niya, umiiyak na po talaga siya. Nung nakita ng mga tao, talagang natuwa sila, nalungkot,” she said.
Adding, “Nagka-trauma po kasi siya na ‘pag hindi niya nakikita ‘yung isa sa mga apo niya, parang ang feeling niya po ay itinatago sa kanya. Kasi once po nagkasakit po ‘yung anak niya, tinago po namin dahil malala. So, ayaw po namin mag-alala.”
Phola and her brother grew up with Nanay Turing as their parents were busy working for their family abroad.
Reminiscing their childhood, Phola said her Lola was hands-on in taking care of them.
“Sa morning gigising siya nang napakaaga. Mga 4 o’clock. Mag-iinit siya ng tubig tapos hindi niya po kami hinahayaang maligo nang malamig na malamig na tubig. Parang core memory ko siya na ‘yung mainit na mainit na timba, talagang binubuhat niya. Inihahatid niya po kami sa tricycle. Pagka naman tanghali, siya din po ang nagdadala ng pagkain. Siya ang nagsusundo,” she recalled.
“From 86 years niya of living, isang beses lang siya naospital. Sobrang okay po ng health. Maintenance niya pang high blood pressure, cholesterol,” she shared when asked about Nanay Turing’s health.
After their videos went viral, opportunities opened for Phola and Nanay Turing. In fact, Filipino comedian and actress Pokwang even paid a visit to their home last August 18, 2024.
“Si Ma’am Pokie na tuwang tuwa, talagang siya ay pumunta dito Nakita niya lang video parang wala [one] week pa. Talagang pumunta po siya dito at talagang dinalaw niya si Nanay. Marami rin naman pong brands, mga local na mga food, restos na talagang gusto si Nanay na puntahan kahit ‘yung mga spa spa, talagang pinapa-spa namin siya kasi libre naman eh,” she noted.
Nanay Turing has a special request to her apos, “Kapag mag-aasawa, dapat malapit. Ako ay kailangan mapagmahal sa mga apo.”
“Noon pa lang, sinasabi na po niya sa amin na sana ‘yung mapangasawa niyo ay malapit lang. Dahil po ayaw niya po ng malayo,” Phola shared.
Now that they are all grown up, Phola said they want to spend more time and pay back all the sacrifices of their lola in raising them.
“Nanay, salamat po sa inyong pag-aalaga sa akin nung simula bata ako. Salamat po sa unending love, unconditional love. ‘Yung pagmamahal ko sa kanya na talaga naa-anxious ako ‘pag hindi siya okay. So, parang dun ko po na-realize na talagang grabe din talaga ang pinakita niyang pagmamahal. Hindi ko po ‘yun malilimutan at habang buhay ko pong babaunin ‘yun, hanggang sa pagtanda ko, hanggang magka-apo na ko. Salamat po, nay. I love you, nay,” Phola stressed.