Red Cross volunteer praised for feeding stranded dogs on roof during Typhoon Kristine 

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang video na ini-upload ng Philippine Red Cross kung saan makikita ang isang volunteer umakyat sa bubong ng isang bahay upang pakainin ang mga stranded dogs sa kalagitnaan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Ayon sa kanilang Facebook post, sa kalagitnaan ng kanilang rescue operations ay tila napansin nila ang tatlong stranded dogs na nasa bubong ng isang bahay. 

“Sa gitna ng rescue operations ng Philippine Red Cross sa #CamarinesSur ay napansin nila ang tatlong aso na nasa may bubungan ng isang bahay na lubog sa baha at tila mga nagugutom,” wika ng Philippine Red Cross.

“Sa tabi nila ay may isang sako ng pet food. Walang pag aatubili na umakyat ang isang volunteer upang ipaglagay ng pagkain at tubig ang mga aso,” saad nito.

Photo: Facebook/Philippine Red Cross

“Gutom na gutom na lumapit sila sa rescuer habang kumakawag kawag pa ang mga buntot,” dagdag pa nito. 

Matapos bigyan ng pagkain at tubig ang mga stranded dogs, makikita na tila nagpasalamat umano ang mga dogs sa nasabing volunteer. 

Photo: Facebook/Philippine Red Cross

Kwento naman ng owner ng mga stranded dogs, pinilit umano nilang dalhin ang lahat ng kanilang alagang aso ngunit maging sila rin ay na-trap. 

“Ako po [y]ung may-ari ng mga aso. Meron po akong 6 na aso. At nung kasagsagan ng bagyo, nagpumilit akong umuwi para dalhin sila subalit maging kami din ay na-trap,” pagbabahagi niya.

“Nung ni-rescue po kami at nakiusap na dalhin ang lahat [ng aso] ngunit sa kadahilanan na mabigat na ang bangka ay tatlo lang ang pinasama. Mabigat man sa loob, kinuha namin ang 3 na may sakit at iniwan ang tatlo kasama ng isang sako na dog food nila. Salamat Red Cross at see you doggies soon,” wika pa nito.

Kaugnay nito, kumalap naman ng papuri mula sa mga netizens ang nasabing video. 

“This rescuer is officially my hero! Not only battling the typhoon but also making sure even the furry residents are safe and fed. What a legend!” komento ng isang netizen. 

“Salamat po sa inyong mga true heroes! Salute!” dagdag pa ng isa.

Show comments
Exit mobile version