Chloe San Jose recalls how ‘unexpected’ love story with Carlos Yulo started

Binalikan ng content creator na si Chloe Anjeleigh San Jose ang simula ng kanilang love story ng partner at two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. 

Ayon kay Chloe, nagsimula ang kanilang love story nang mag-message siya kay Carlos noong taong 2020.

“At that time, nag-visit po kami [sa Philippines] ng family ko from Australia, nag-trending siya nu’ng 2019 po kasi SEA Games po. Since nasa Philippines po ako, yung [Twitter] feed ko, Philippines,” kwento ni Chloe sa kanilang interview sa vlog ni Toni Gonzaga na “Toni Talks.” 

“So du’n parang, ‘Oh, okay.’ He’s cute. Ganon. Tapos parang hindi na po siya nagpo-post, parang 4 months later, [kaya nag-message po ako],” dagdag pa nito. 

Kwento naman ni Carlos, naging interested siya kay Chloe matapos silang unang mag-usap sa social media platform na X. 

“Nu’ng April po, like nag-chat po ako [sa kanya], and then nakita ko siya, and then ini-stalk ko na po siya. Parang familiar yung mukha niya nu’ng nakita ko yung profile niya,” saad ni Carlos. 

Matapos ito ay nagtuloy-tuloy na ang conversation nina Chloe at Carlos. 

“Mas nagustuhan ko siya nu’ng nag-uusap na po kami,” pahayag ni Carlos. 

Ayon kay Chloe, 10 days pa lamang silang nag-uusap ni Carlos ay agad nang nag-”I love you” ito sa kanya.

“10 days pa lang po nag-I love you po siya agad sakin… Parang joke niya po sinabi, parang ‘Hehehe. Love you,’ ganun po,” wika ni Chloe. 

“[Nu’ng nabasa ko po], I just scrolled past. Parang yung conversation po, binalik ko na lang sa kung ano yung pinag-uusapan namin,” pagpapatuloy nito.

Samantala, makalipas ang 2 months ng talking stage ay naging official na ang relationship ng dalawa. 

“[After] 2 months po, [naging official na],” wika niya.

“Palagi na po kami nagkaka-call po. And mas napapalapit na rin po sa isa’t isa,” saad ni Carlos. 

Ayon pa sa mag-partner, “unexpected” umano ang kanilang relationship.

“That time din hindi naman din po ako naghahanap ta’s biglang dumating po eh,” wika ni Carlos. 

“Hindi ko din po ine-expect at that time na magbo-boyfriend po ako. Kasi nasa Australia po ako eh,” saad naman ni Chloe.

Samantala, sinabi naman ni Carlos na nabibigyan siya ng “peace” ng kanilang relationship ni Chloe. 

“[Nabibigyan po ako ng] peace po eh, and yung motivation na gawin yung mga gusto kong gawin sa buhay ko po,” wika niya. 

“[…] Kasama siya, mas napalapit din ako kay Lord, mas nakilala ko rin yung sarili ko outside gymnastics, and willing pang matuto sa buhay, and maka-experience ng mga mahihirap at magagandang bagay sa buhay,” pagpapatuloy pa nito.

Exit mobile version